• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Cabo Negro at Speedmatic, sosyo sa pedestal ng Philracom race

Balita Online by Balita Online
November 29, 2017
in Features, Sports
0
Cabo Negro at Speedmatic, sosyo sa pedestal ng Philracom race
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

AGAW atensyon ang Cabo Negro at Speedmatic sa isinagawang 3rd leg ng Philippine Racing Commission’s (Philracom’s) Juvenile Colts/Phillies Stakes Races nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

philramcomfoto copy

Kapwa nagtala ng dominanteng panalo ang Cabo Negro at Speedmatic sa 1,500-meter Juvenile Stakes Races na may kabuuang premyo na P4 milyon mula sa pangangasiwa ng Philracom.

Sakay si multi-titled jockey John Alvin Guce, hataw ang Cabo Negro para mahila ang winning spree ng may-aring SC Stockfarm matapos gapiin ang Goldmith ni Joseph Dyhengco at sakay si jockey Pat Dilema sa layong dalawang kabayo para sa premyong P1,200,000 sa Colts’ race.

“Ang bilin sa akin sakto lang ang pagbitaw, hayun naman po, nagawa ko naman. Paglabas puwesto lang, na-threaten na kaunti kay Goldsmith, pero pagdating ng half mile, kinuha ko na,” sambit ni Guce.

Nakopo ng Goldsmith ang P450,000 bilang runner-up, habang ang ikatlo ang ikapata na The Barrister at No Regret ay nag-uwi ng P250,000 at P100,000 para sa may-aring sina Daniel Tan at Ruben Dimacuha.

Tumanggap naman si Chito Santos, trainer ng Cabo Negrom ng P70,000 bilang breeders purse.

Pinangasiwaan nina Philracom Commissioner Victor Tantoco at Manila Jockey Club’s Racing Manager Jose Ramon Magboo ang pamamahagi ng tropeo at premyo sa mga nagwagi.

Sa Fillies’ race, walang katapat ang Speedmatic para sa premyong P1,200,000 para sa may-aring si Hermie Esguerra.

Nakabawi ang beteranong jockeyna si Dilema sa runner-up finish sa Colts’ race nang gabayan ang Speedmatic sa panalo na may layong limang kabayong agwat.

“Maganda naman ang alis, kaya tinuloy ko na. Nakiramdam ako, wala pa ang mga kalaban ko, kaya naghintay na lang ako ng rekta, doon tinodo ko na,” pahayag ni Dilema.

Nakuha ng Disyembre Sais na pagmamay-ari ni Alfredo Santos ang P450,000 runner-up prize, habang ang Luis Aguila’s Lourdes Drive at Francisco Babon Jr.’s Xia’s Best ang pangatlo ang pang-apat.

Nakuha ni Dewey N. Santos ang P70,000 bilang breeder ng Speedmatic.

Matapos ang matagumpay na uvenile Colts/Phillies Stakes Races, inihahanda ng Philracom ang mas malalaking karera tampok ang Philippine Thoroughbred Owners & Breeders Organization, Inc. (Philtobo) sa darating na weekend.

Tags: Alfredo SantosJohn Alvin GuceJoseph DyhengcoLuis AguilaPat DilemaPhilippine Racing CommissionRacing Manager
Previous Post

Poser ang nasa sex video – Jao Mapa

Next Post

Moira, sumikat na rin sa wakas

Next Post
Moira, sumikat na rin sa wakas

Moira, sumikat na rin sa wakas

Broom Broom Balita

  • Dahil sa bagyong ‘Betty’: Emergency preparedness, response protocols ng NDRRMC activated na!
  • PBBM, VP Sara dumalo sa grand launching ng Pier 88 sa Cebu
  • Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash
  • Reaksiyon ni Chavit matapos matanong tungkol kay Yen, usap-usapan
  • Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika
Dahil sa bagyong ‘Betty’: Emergency preparedness, response protocols ng NDRRMC activated na!

Dahil sa bagyong ‘Betty’: Emergency preparedness, response protocols ng NDRRMC activated na!

May 28, 2023
Auto Draft

PBBM, VP Sara dumalo sa grand launching ng Pier 88 sa Cebu

May 28, 2023
Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash

Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash

May 28, 2023
Reaksiyon ni Chavit matapos matanong tungkol kay Yen, usap-usapan

Reaksiyon ni Chavit matapos matanong tungkol kay Yen, usap-usapan

May 28, 2023
Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika

Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika

May 28, 2023

Pangangalakal ni Jimmy Santos sa ibang bansa, hinangaan ng netizens!

May 28, 2023
Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

May 28, 2023
VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

May 27, 2023
Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas

Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas

May 27, 2023
Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyon ng Turkey, Syria dahil sa lindol

Pope Francis, bumalik na sa trabaho matapos gumaling sa lagnat

May 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.