• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

AFP sa NDF consultants: Sumuko na lang

Balita Online by Balita Online
November 27, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major General Restituto Padilla na masasabing may “bad faith” ang mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na pansamantalang pinalaya upang makibahagi sa peace talks kung hindi kusang susuko ang mga ito.

Hiningan ng komento tungkol sa mga NDFP consultant, ipinaliwanag ni Padilla na sakaling magpasya ang korte na ipaarestong muli ang mga ito at hindi sila susuko, malinaw na senyales ito na wala silang balak na bumalik sa kanilang pinagmulan.

“I will only describe that with two words: Bad faith,” sabi ni Padilla. “So we entered into a negotiation in good faith, the government showed its sincerity. There are certain protocols part of which is the JASIG (Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees) and as you said the temporary release in custody of certain individuals so that they can participate in the negotiations but they also know and they are aware that release from custody is only temporary, so they should submit themselves back to the folds of law.”

Sinabi ni Padilla na ang hindi pagsuko ng mga NDFP consultant ay magkakaroon ng malaking epekto sa labanan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng New People’s Army (NPA).

“So, kung talagang nagnanais silang magdulot ng katahimikan para sa buong kapuluan then sila na mismo ang dapat magde-decide na sana noong nagkaroon ng usapang pangkapayapaan naging maayos ang kanilang naging pakikitungo at naging willing sana sila sa maaaring naging kasunduan na hindi naging hardliner ang stance nila,” ani Padilla.

Kabilang sa 20 NDFP consultant na pansamantalang pinalaya sina Benito at Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Alfredo Mapano, Tirso Alcantara, Pedro Codaste, Porferio Tuna, Concha Araneta Bocala, Ernesto Lorenza, Eduardo Ganelsa, Ariel Arbitrario, Runel Saluta, Jaime Solidad, Keneddy Bangibang, at Alan Jazmines.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na ipaaaresto niya ang lahat ng opisyal ng NDFP, makaraang opisyal na kanselahin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan sa kilusan.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ipatutupad ng pulisya ang anti-terrorism law laban sa mga rebelde sa inaasahang pagpapaigting pa ng opensiba ng NPA, kung magkakaroon ng pormal na deklarasyon ang gobyerno na grupong terorista na ang NDFP at NPA.

Mas matindi ang parusang itinatakda ng Human Security Act of 2007, ang anti-terror law ng Pilipinas, kumpara sa mga parusa sa paglabag sa Revised Penal Code, na karaniwan nang ginagamit sa pagsasampa ng kaso sa mga rebelde. – Francis Wakefield
at Aaron Recuenco

Tags: armed forces of the philippinesbalitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogEduardo GanelsaErnesto Lorenzaphilippine national policeTirso Alcantara
Previous Post

Piolo Pascual, suportado ang local businessmen

Next Post

Blue Eagles, pinatutulis ang kuko sa kampeonato

Next Post
UPUNG BAE! Naupuan ni Matt Nieto ng Ateneo ang napahigang si Prince Rivero ng La Salle matapos mawalan ng balanse sa agawan sa bola sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa Game One ng UAAP Season 80 best-of-three title series nitong Sabado sa MOA Arena. (MB photo | RIO DELUVIO)

Blue Eagles, pinatutulis ang kuko sa kampeonato

Broom Broom Balita

  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
  • 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan
  • Babae, nasagip sa pagkakahulog sa isang gusali sa Binondo
  • Ultra, Mega Lotto jackpot, mailap pa rin — PCSO
  • Imee Marcos, binatikos ang ICC sa ‘di pagpansin sa crimes vs humanity ng Western nations
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.