• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Demi Lovato, kinasuhan ng Spanish singer ng pangongopya sa ‘Let It Go’

Balita Online by Balita Online
November 26, 2017
in Showbiz atbp.
0
Demi Lovato

Demi Lovato

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ISA si Demi Lovato sa mga bituing sinampahan ng kaso ng mang-aawit na si Jaime Ciero, na nag-aakusang kinopya sa awitin niyang Volar ang hit tune na Let It Go na ginamit sa pelikulang Frozen ng Disney.

Inirekord ng 25 taong gulang ang awitin bilang single kasunod ng pagpapalabas ng 2013 animated movie, at naging laman din ng deluxe version ng kanyang 2013 album na Demi.

Demi Lovato
Demi Lovato
Ngayon ay kabilang na si Demi sa mga kinasuhan ni Ciero, dahil kinopya umano niya ang 2008 Spanish-language hit nito na Volar. Sa kaso, tinawag ni Ciero ang kanyang kanta na “a huge international success reaching millions of listeners and landing on numerous charts of the most popular, top-performing songs.”

Binanggit niya ang magkakatulad na note combinations, structures, hooks, lyrics, melodies, themes, textures at production ng dalawang awitin bilang ebidensya na ang Let It Go ay ginaya sa awitin niya.

Kinasuhan ni Ciero sina Demi, Idina Menzel na siyang umawit ng bersiyon sa pelikula at soundtrack, ang The Walt Disney Company, at iba pa. Humihingi si Ciero ng bahagi sa kinita global box office ng pelikula na umaabot sa $1.3 billion, kinita sa record at marketing bilang danyos.

Nang nagpahayag tungkol sa tagumpay ng Let It Go, sinabi ni Demi na magandang awitin ito para sa kanya, dahil na rin sa pinagdaanan niyang mga problema sa personal na buhay, kabilang ang pakikipaglaban sa kanyang eating disorders at substance abuse issues.

“I think the song is so appealing because the words are so uplifting,” aniya sa MTV. “It’s a really inspiring song too when you listen to it, it makes you wannabe yourself and be proud of who you are.”

“I feel uplifted and, at the same time, I remember what it,s like to feel very insecure about who I am. But after I’ve grown and I’ve gone through some life experiences, I’ve become proud of who I am and so I can also feel the uplifting part of the song as well… I think it’s the perfect song for me to be singing!” – Cover Media

Tags: demi lovatoJaime CieroThe Walt Disney Company
Previous Post

Turkey niyanig ng magnitude 5.1

Next Post

Chavez maaaring ‘di payagan ni Duterte magbitiw— Pimentel

Next Post

Chavez maaaring ‘di payagan ni Duterte magbitiw— Pimentel

Broom Broom Balita

  • Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur
  • Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol
  • Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t
  • Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas
  • Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’
Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

December 2, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

December 2, 2023
Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

December 2, 2023
Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

December 2, 2023
Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

December 2, 2023
14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

December 2, 2023
Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

December 2, 2023
‘Matic na ‘yan! Mga senior citizens, miyembro na ng PhilHealth

Social pension payout para sa senior citizens sa QC, sa Dis. 5 na!

December 2, 2023
Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

December 2, 2023
5,000 preso, posibleng palayain ngayong Disyembre — BJMP

5,000 preso, posibleng palayain ngayong Disyembre — BJMP

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.