• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bagong Comelec, ERC chairpersons itinalaga

Balita Online by Balita Online
November 25, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Beth Camia

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Sheriff Abas bilang bagong chairman ng poll body, habang si dating Solicitor General at Justice Secretary Agnes Devanadera ang bagong pinuno ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Nobyembre 22 nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment nina Abas at Devanadera.

Si Abas ay magsisilbing Comelec chairman hanggang Pebrero 2022, habang hanggang sa Hulyo 10, 2022 pamumunuan ni Devanadera ang ERC, ayon sa kani-kanilang appointment papers.

Pinalitan ni Abas ang nag-resign na si dating Comelec Chairman Andres Bautista, na muntik nang ma-impeach kaugnay ng alegasyon ng ill-gotten wealth na ibinulgar ng sarili nitong asawa.

Pamangkin ng opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Mohagher Iqbal, dadaan pa sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Abas.

Hinalinhan naman ni Devanadera si dating ERC Chief Jose Vicente Salazar, na sinibak nitong Oktubre dahil sa alegasyon ng kurapsiyon.

Si Devanadera ay nagsilbing Solicitor General sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo mula 2007 hanggang 2009, bago naging kalihim ng Department of Justice (DoJ) simula 2009 hanggang 2010.

Tags: Agnes DevanaderaAndres BautistaCommission on Appointmentsdepartment of justicegloria arroyomoro islamic liberation front
Previous Post

Magilas na player, awardees sa PBAPC Night

Next Post

PVF-Tanduay beach volleyball sa Cantada

Next Post
PVF-Tanduay beach volleyball sa Cantada

PVF-Tanduay beach volleyball sa Cantada

Broom Broom Balita

  • 21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis
  • LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’
  • 19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women
  • Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’
  • UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

September 29, 2023
UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

September 29, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

September 29, 2023
Niño Muhlach, may iba pang anak bukod kina Sandro, Alonzo

Niño Muhlach, may iba pang anak bukod kina Sandro, Alonzo

September 29, 2023
Ryan Bang nag-sorry kay Annette Gozon: ‘Pasensya na po boss’

Ryan Bang nag-sorry kay Annette Gozon: ‘Pasensya na po boss’

September 29, 2023
‘Food Stamp’ inilunsad ni Marcos sa Siargao Island

‘Food Stamp’ inilunsad ni Marcos sa Siargao Island

September 29, 2023
Vice Ganda nakorner si Kim Chiu sa usaping ‘closure’

Vice Ganda nakorner si Kim Chiu sa usaping ‘closure’

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.