• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pasaway sa motorcycle lane huhulihin na

Balita Online by Balita Online
November 22, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala nang espasyo para sa isa pang motorcycle lane sa EDSA, sa harap na rin ng mga panawagan ng mga grupo ng nagmomotorsiklo na magtalaga ang ahensiya ng lane na eksklusibo lang sa kanila.

“We are maximizing the use of the lanes along EDSA, which only have four lanes,” sabi ni Jojo Garcia, assistant general manager for planning ng MMDA.

Itinalaga ng ahensiya ang ikaapat, o nakadikit sa pader ng Metro Rail Transit (MRT)-3 bilang motorcycle lane sa EDSA, mula sa Monumento sa Caloocan City hanggang sa SM Mall of Asia sa Pasay City, at vice versa.

Ang nasabing lane ay “non-exclusive”, o maaari ring gamitin ng mga pribadong sasakyan.

Simula ngayong Miyerkules, istriktong ipatutupad ng mga traffic enforcer ang paggamit ng motorcycle lane at pagsusuot ng tamang protective gear upang maiwasan ang mga aksidente sa EDSA. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500.

Ayon kay Garcia, kailangang ipatupad ang motorcycle lane upang isulong ang mas maayos na daloy na trapiko sa mga pangunahing kalsada at maiwasan ang mga aksidenteng karaniwang kinasasangkutan ng mga motorsiklo, na karaniwang nauuwi sa kamatayan.

Alinsunod sa Administrative Order No. AHS-2008-015 ng Land Transportation Office (LTO), na nagtatakda ng mga panuntunan sa paggamit at operasyon ng mga motorsiklo sa mga highway, ang kawalan ng helmet ay may katumbas na multang P1,500.

Bukod dito, ang motorcycle rider na mahuhuling nakasuot ng tsinelas, sandals, o walang sapin sa paa ay pagmumultahin ng P500, P700, at P1,000 at babawian ng lisensiya sa una, ikalawa, at ikatlong paglabag, ayon sa pagkakasunod. – Anna Liza Villas-Alavaren
at Bella Gamotea

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogland transportation officemetropolitan manila development authority
Previous Post

Batbat pa rin ng problema ang Metro Rail Transit

Next Post

Corminal, kumpiyansa sa ONE FC

Next Post
Corminal: In action….

Corminal, kumpiyansa sa ONE FC

Broom Broom Balita

  • Big-time rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong Abril 1
  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.