• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Negosyanteng engineer tinambangan ng tandem

Balita Online by Balita Online
November 22, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Posible umanong may kinalaman sa negosyo ang pagpatay sa isang mechanical engineer, na tinambangan ng riding-in-tandem habang sakay sa kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Reynaldo Macapanas, 49, ng Block 50, Lot 5, Grand Oakridge Antel Village, Bacao, General Trias, Cavite. Siya ay nagtamo ng mga bala sa ulo at itaas na bahagi ng katawan, habang inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang insidente sa likod ng Delpan Sports Complex, sa Delpan Street, sa Binondo, dakong 7:00 ng gabi.

Sakay ang biktima sa kanyang itim na Isuzu MU-X (CR 5165) at binabagtas ang Delpan Street nang abangan ng mga suspek at pinagbabaril bago humarurot palayo.

Ayon kay PO1 Rey Orejas, pauwi na siya nang lapitan siya ng isang residente at nagpasaklolo hinggil sa insidente.
Sa kanyang pagresponde, dinatnan pa umano ni PO1 Orejas na buhay ang biktima kaya isinugod sa ospital ngunit hindi na ito umabot, dakong 7:10 ng gabi.

Ayon sa kaibigan ng biktima, si Evelyn, bago ang krimen ay bibisitahin sana siya ni Macapanas sa kanyang bahay upang pag-usapan ang isang business proposal.

Naniniwala naman ang maybahay ng biktima, si Nenita, na posibleng may kinalaman sa mga business contract bidding deal ang pagkamatay ni Macapanas. – Mary Ann Santiago

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalog
Previous Post

Toni at Alex, nagbukingan sa show ni Luis

Next Post

Most wanted sa Taguig tiklo

Next Post

Most wanted sa Taguig tiklo

Broom Broom Balita

  • Big-time rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong Abril 1
  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.