• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Buwagin na lang ang CA—Alvarez

Balita Online by Balita Online
November 22, 2017
in Balita
0
Rep. Alvarez, Speaker of the House
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinanukala kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas mainam umanong buwagin ang Court of Appeals (CA) at sa halip ay dagdagan ang mga trial court upang pangasiwaan ang mas mabilis na pagkakamit ng hustisya.

Ito ang mungkahi ni Alvarez sa kanyang opening message sa Conference on Judicial Institution Building and Reforms sa New World Manila Bay Hotel sa Maynila.

Ikinadismaya ni Alvarez ang mabagal na usad ng mga kaso na umaabot ng “years, if not decades” bago malutas, kasabay ng pagsasabing kinakailangang pasimplehin ang proseso pagdating sa judicial reforms.

Ipinaliwanag niya na ang mga kasong matagal naresolba sa trial level, at ang mga isinangguni sa Court of Appeals ay “decisions take another couple of years to be resolved.”

“This status quo is not acceptable and we have to be mindful of the realities in the judiciary as we review and revise the Constitution,” aniya.

“I propose that the Court of Appeals—unless it can speedily resolve cases brought to it, and unless it can be shown that it facilitates, rather than delays the speedy disposition of justice—be abolished. Rather, let us expand the number of our trial courts in proportion to our population,” sambit ni Alvarez.

Inirekomenda rin ng Speaker na alisin ang delaying tactics ng mga abogado, ayusin ang mga schedule ng korte upang mabigyang-pansin ang bilang ng mga kasong tatapusin, mamuhunan sa specialization of courts, at pag-ibayuhin ang kapasidad ng mga hukom at kawani.

Iminungkahi rin ni Alvarez ang mas mahigpit na lehislatura upang matuldukan ang kurapsiyon. – PNA

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogcourt of appealsPantaleon Alvarez
Previous Post

‘Red Wednesday’ campaign ilulunsad ngayon

Next Post

Hayashi target ang titulo ni Magsayo

Next Post
Boxing | Pixabay

Hayashi target ang titulo ni Magsayo

Broom Broom Balita

  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
  • 3 kelot, timbog sa isinagawang shabu buy-bust sa Taguig
  • Tito Boy, inaming may plano nang iwan ang ABS-CBN bago pa nawalan ng prangkisa ang network
  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.