• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

60% ng Pinoy tutulong sa biktima ng krisis sa Marawi

Balita Online by Balita Online
November 22, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Anim sa 10 Pilipino ang handang tumulong sa mga biktima ng krisis sa Marawi, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang nationwide survey noong Pebrero 23-27 sa 1,500 respondents at lumalabas na 60 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay handa (27% “very ready” at 33% “somewhat ready”) na umagapay sa mga taong naapektuhan ng krisis sa Marawi.

Samantala, 20% ang hindi handa (11% “somewhat unready” at 9% “very unready”), at 20% ang hindi makapagpasiya sa usapin.

Tinanong ang mga respondent na, “how ready are you to help the victims of the Marawi City crisis?”

Tinanong din ang mga handang tumulong na, “which of the following can you do in order to help the victims of the Marawi City crisis?”

Nangunguna sa mga paraan ng pagtulong ang ipagdasal o mag- alay ng misa para sa mga biktima (54%), magkaloob ng relief goods (51%), at mabigay ng damit (49%).

Ang iba ay nais magbigay ng pera (16%), personal na tumulong sa pag-iimpake o paghahatid ng relief goods (13%), patutuluyin sa kanilang tirahan ang mga biktima (4%), magbigay ng transportasyon (2%), at mag-abot ng libreng gamot (0.1%).

Pinakamarami ang handang tumulong sa krisis sa Marawi sa Mindanao na nasa 70%, sinusundan ng Metro Manila sa 68%, Visayas sa 57%, at iba pang bahagi ng Luzon sa 54%.

Ito ay 63% sa mga lungsod, at 57% sa kanayunan.

Binanggit din ng SWS na 67% ng handang tumulong ay mga relihiyon bukod sa Katoliko at Islam, 66% ay mga Muslim, 61% ang Iglesia ni Cristo, at 59% ang Katoliko.

Mas maraming Muslim naman ang nagsabing magbibigay sila ng pera (28%) at patutuluyin sa kanilang bahay ang mga biktima (17%) bilang mga bagay na magagawa nila para makatulong sa mga biktima ng krisis sa Marawi. – Ellalyn De Vera-Ruiz

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogmanilaMarawi City
Previous Post

NU at UST, agawan sa junior volleyball Finals slot

Next Post

Mexican, tulog kay Gaballo sa 2nd round

Next Post
Crawford, dapat magdepensa kay Jason Pagara

Mexican, tulog kay Gaballo sa 2nd round

Broom Broom Balita

  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
  • Rayver Cruz, ‘cute concert buddy’ ni Julie Anne San Jose sa anniversary show ni Christian Bautista
  • Pinoy pole vaulter EJ Obiena, nakasungkit ng gold medal sa Perche En Or sa France
  • Operasyon, paanakan sa Navotas City Hospital, pansamantalang isasara
  • Christian Bautista, isa-isang pasalamatan ang mga tao sa likod ng matagumpay na concert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.