• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Editoryal

Bukas ang Department of Health sa pakikipagtalakayan sa mga tutol sa RH Law

Balita Online by Balita Online
November 21, 2017
in Editoryal
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

INIHAYAG ni Health Secretary Dr. Francisco Duque III nitong Huwebes na nais niyang talakayin ang implementasyon ng Reproductive Health (RH) Law kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, na kilalang kritiko ng nabanggit na batas.

“I will get in touch with him (Sotto). We have to make our communication open so that we understand exactly our respective positions. And who knows, at the end of the day, there will be complementation of our positions,” sinabi ni Duque nang tanungin tungkol sa senador na kumukuwestiyon sa budget para sa family planning program ng gobyerno.

Sinabi ng kalihim na nais niyang ipaliwanag kay Sotto na kailangang maipatupad ang probisyon ng RH Law upang matupad ang adhikain ng bansa na magampanan ang Philippine Health Agenda 2016-2022, at upang makamit ang Sustainable Development Goals, kabilang na ang pagtiyak ng malusog na pamumuhay at maisulong ang kapakanan ng lahat sa bansa.

“We will respect the opinion of Sen. Sotto. But there is a law which the Executive Branch is mandated to execute,” ani Duque.

Samantala, sinabi ni Duque na hindi kuntento ang mga grupo sa pagpapawalang-bisa sa temporary restraining order (TRO) sa dalawang subdermal implants matapos nilang madeklara ito at ang 49 iba pang contraceptive products bilang non-abortifacient.

“That is well within their rights. If they want to file another injunction case, a petition for injunction, it is really up to them. The legal recourse is open to everyone,” lahad ni Duque.

Inihayag naman ni Commission on Population (POPCOM) executive director, Dr. Juan Antonio Perez III, sa hiwalay na panayam na naghahanda na sila para labanan ang anumang oposisyon hinggil sa pagpapawalang-bisa ng Korte Suprema sa TRO.

Gayunman, sinabi niyang wala pang bagong impormasyon ang oposisyon upang suportahan ang kanilang mga argumento.

“Unless they have new information, it will be the same kind of discussion,” ani Perez.

Tinatayang anim na milyong babae sa buong bansa ang gumagamit ng fmily planning programs, at nadadagdagan ang bilang na ito ng isang milyon bawat taon, anang POPCOM chief.

“With the RH Law now to be fully implemented, maybe we will get over a million new ones annually,” sabi pa ni Perez. – PNA

Tags: Francisco Duque IIIJuan Antonio Perez IIIvicente sotto iii
Previous Post

Peace talks tigil na kapag NPA idineklarang terorista

Next Post

Gloria Romero, bilib kay Coco Martin

Next Post
Gloria Romero

Gloria Romero, bilib kay Coco Martin

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.