• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 pang ‘suspek’ sa bank teller slay ikinanta

Balita Online by Balita Online
November 21, 2017
in Balita, Features
0
‘DI PO AKO ‘YUN - Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 22-anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarters kahapon. ALVIN KASIBAN

‘DI PO AKO ‘YUN - Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 22-anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarters kahapon. ALVIN KASIBAN

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dalawang tao ang hinahanap ngayon ng Philippine National Police (PNP) bilang posibleng kasabwat ng pangunahing suspek sa brutal na pagpatay at tangkang panununog sa isang 22-anyos na empleyado ng bangko sa Pasig City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, sinabi sa kanila ni Randy Oavenada, 37, na may dalawa itong kainuman nang gabing pinatay si Mabel Cama.

‘DI PO AKO ‘YUN - Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 22-anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarters kahapon. ALVIN KASIBAN
‘DI PO AKO ‘YUN – Si Randy Oavenada, 37, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 22-anyos na si Mabel Cama, ilang minuto bago siya iprisinta sa media sa Pasig City Police Headquarters kahapon. ALVIN KASIBAN
Nobyembre 12 nang natagpuan ang bangkay ni Cama sa impounding area ng Mega Bus Line sa Ortigas Avenue sa Barangay Rosario, Pasig.

“Actually, may dalawa siyang sinabi kanina—‘yung mga kaninuman niya that night. Nabanggit niya ‘yung dalawa kanina. Sila ay hindi napasama sa persons-of-interest,” sinabi ni Albayalde sa press conference kahapon sa himpilan ng Pasig City Police. “’Yung dalawa ay iimbitahan dito sa station.”

Sinabi ni Albayalde na paulit-ulit na itinanggi ni Oavenada na siya ang pumatay kay Cama, at iginiit na nagtatrabaho lamang siya bilang driver sa compound. Empleyado siya ng Timber Port Enterprises.

Ayon kayAlbayalde, hindi consistent ang mga pahayag ni Oavenada kaya naman pinagdududahan ng pulisya ang kredibilidad nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Supt. Isidro Carino, hepe ng Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory, na may malinaw na mga senyales na seksuwal na inabuso si Cama “because of the contusions discovered in her genital.”

Gayunman, dahil sinunog ang ari ng biktika at nagnegatibo ito sa semilya.

Sinabi pa ni Carino na posibleng walang malay si Cama nang abusuhin at patayin ito, dahil walang senyales na nanlaban ang dalaga.

Aniya, binawian ng buhay si Cama dahil sa tinamong traumatic injuries sa ulo dulot ng “a blunt instrument.”

Hindi na isinasangkot sa kaso ang apat na lalaki na unang ikonsidera na persons-of-interest sa kaso, ayon kay Carino. Paliwanag niya, bukod sa nagnegatibo ang mga ito sa drug test ay wala ring fingerprints ng mga ito na natagpuan sa crime scene.

Samantala, itinaas na sa P300,000 ang pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa krimen makaraang dagdagan ni Pasig Mayor Robert Eusebio ng P200,000 ang P50,000 ni Paracale, Camarines Norte Mayor Lourdes Villamonte, at P50,000 ng hindi pinangalanang negosyante. – Jel Santos

Tags: Mabel CamaOscar Albayaldephilippine national policeRandy Oavenada
Previous Post

Tama si CJ Sereno

Next Post

Nang-agaw ng baril ng pulis, sapul sa ulo

Next Post

Nang-agaw ng baril ng pulis, sapul sa ulo

Broom Broom Balita

  • Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA
  • Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh
  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA

June 6, 2023
Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

June 6, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.