• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Ken Chan, 10 araw na magliliwaliw sa US

Balita Online by Balita Online
November 18, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Ken Chan, 10 araw na magliliwaliw sa US
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Nitz Miralles

KABILANG si Ken Chan sa mga rarampa sa Bench Under The Stars show ng Bench ngayong gabi sa MOA Arena. Sabi ni Ken, member na siya ng Bench family at pumirma na siya ng kontrata.

Ken copy copy

Clothing apparel ang isusuot ni Ken sa pagrampa, hindi pa niya kayang mag-topless, wala pa siyang maipagmamalaking katawan. Kinakantyawan nga siya pati ng fans niya dahil may isang eksena sa pelikulang This Time I’ll Be Sweeter na kita ang bilbil niya. Ito ‘yung bigla siyang umahon sa swimming pool at nakita nga ang bilbil.

“Sabi ni Direk Joel (Lamangan), ii-edit niya ang eksenang ‘yan dahil nga kita ang bilbil ko. Pero nakita pa rin.

Hahaha! Hindi ko napaghandaan ‘yan, masarap kasing kumain at inaamin kong tamad akong mag-workout, kasalanan ko rin,” sabi ni Ken.

Tinakot pa siya ng mga kaibigang reporter na mas tataba pa siya dahil 10 days na magbabakasyon sa Amerika, eh, masarap ang pagkain doon at malalaki ang serving. Lagot si Ken.

Sa December 1, ang alis ni Ken kasama ang tita niya at sa Dec. 10 ang balik. Pipilitin niyang masunod ang itinerary sa loob ng sampung araw.

“Hindi ako puwedeng magtagal at mag-extend, ayaw ng GMA-7. Kaya two days lang ang stay ko sa bawat lugar. Kaya ako pupunta sa Maryland dahil andu’n ang tita ko. Sa Chicago naman dahil may snow na by that time. Sa New York, manonood ako ng musical plays,” kuwento ni Ken.

Pupunta rin siya sa Los Angeles at Las Vegas, basta susulitin niya ang first time niyang bakasyon sa Amerika.

Masayang magbabaksyon si Ken dahil maganda ang box-office result ng This Time I’ll Be Sweeter. Tinawagan siya ni Mother Lily Monteverde na nag-congratulate at may usapan na pagbalik niya from his vacation, magmi-meeting sila for his next movie sa Regal Entertainment.

In fairness kay Ken, ang sipag-sipag niyang mag-promote ng movie at kahit showing na, lagi pa rin niyang ipinaaalala sa fans at bumibisita sa social media account niya na panoorin ang This Time I’ll Be Sweeter.

“May 10 block screenings na naka-schedule bigay ng KenBie fans at solid fans ko. Lahat ‘yun pupuntahan ko pati ‘yung sa SM Clark para na rin magpasalamat sa mga nanood at sumuporta. Malaking bagay ang suporta nila sa pelikula at tinatanaw kong utang na loob sa fans ‘yun, sana hindi sila magsawa,” pagtatapos ni Ken.

Tags: Direk JoelKen Chanlas vegaslily monteverdeLos AngelesNew York
Previous Post

Obra na pinakamahal na naisubasta sa kasaysayan, gawa ni Leonardo da Vinci

Next Post

‘Comfortable house’ sa 2 Russian ‘di special treatment – Aguirre

Next Post

'Comfortable house' sa 2 Russian 'di special treatment – Aguirre

Broom Broom Balita

  • Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon
  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.