• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Petalcorin, kakasa ngayon kontra Indonesian

Balita Online by Balita Online
November 11, 2017
in Sports
0
Boxing | Pixabay default
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Gilbert Espeña

KAPWA nakuha nina dating WBA interim junior flyweight champion Randy Petalcorin ng Pilipinas at two-time Indonesian champion Oscar Rafnaka ang 110 pounds catch weight para sa kanilang 10-round na sagupaan ngayon sa Melbourne, Australia.

Binansagang “Ultratune Fight Night” ni promoter Peter Maniatis Events ang sagupaang gagawin sa Malvern Town Hall kung saan itataya ni Petalcorin ang kanyang mataas na rankings sa IBF, WBO at WBC laban kay Raknafa na dating WBO Asia Pacific mini flyweight titlist.

“I got the distance with current WBO world champion Kosei Tanaka and also defeated WBA champion Muhammed Rachman so I can handle boxers at this level,” pagyayabang ni Rakfana.

Wala namang sinabi si Petalcorin kundi nagsanay siya nang mabuti para sa ikaapat na laban niya sa Australia at nagpasalamat sa kanyang promoter.

“I have trained hard, it’s my fourth fight in Melbourne. I really like fighting here thank you to Ultratune, Mr Sean Buckley and Promoter Peter Maniatis,” sambit ni Petalcorin sa kanyang social media page.

Nangako naman si Maniatis na bibigyan ng world title fight si Petalcorin sa taong 2018.

“Let’s get rid of the former world champion tag.”, diin ni Maniatis lalo’t mandatory contender na ang Pinoy boxer sa kababayang si IBF light flyweight champion Milan Melindo.

Masama ang karanasan ni Petalcorin sa kanyang huling laban sa Australia kung saan apat na beses niyang napabagsak si Omar Kimweri pero nanaig pa rin ang nakabase sa Australia na Tanzanian sa 12-round split decision noong Abril 15, 2016 sa sagupaan sa Flemington para sa bakanteng WBC Silver flyweight title.

Tags: Gilbert EspeaMalvern Town HallMilan MelindoMuhammed RachmanOmar KimweriOscar RafnakaPeter ManiatisSean Buckley
Previous Post

Krusyal sa Tamaraws

Next Post

Panganib ng pagbabalik ng breast cancer kahit pa 15 taon nang nalunasan

Next Post

Panganib ng pagbabalik ng breast cancer kahit pa 15 taon nang nalunasan

Broom Broom Balita

  • Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin
  • ‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes
  • Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila
  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

October 4, 2023
‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

October 4, 2023
Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

October 4, 2023
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.