• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Kris, niyaya ng coffee date si Mocha

Balita Online by Balita Online
November 9, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Kris, niyaya ng coffee date si Mocha
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni REGGEE BONOAN

“I have nothing against Kris Aquino as long as she won’t run for public office. She is a nice person but another Aquino in the government is just going back to your unfaithful bf (boyfriend) again and again,” post ni Mocha Uson sa kanyang blog kamakailan.

kRIS copy

Mukhang hindi kilala ni Mocha Uson ang dating presidential daughter at sister dahil hindi niya alam na makailang beses nang inalok si Kris to run for a public office pero lagi nitong tinatanggihan. Umiiwas si Kris sa masyadong masalimuot na buhay na dinanas ng mga magulang niyang sina Presidente Corazon C. Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. dagdag pa ang kuya niya na si ex-President Noynoy Aquino.

Heto nga’t nasa showbiz si Kris ay kaliwa’t kanan ang bira sa kanya lalo na pagdating sa pag-ibig dahil nga laging nauuwi sa hiwalayan.

Pero kung saka-sakaling tumanggap ng posisyon sa gobyerno si Tetay, naniniwala kami na marami siyang maa-accomplish lalo’t kilala siyang honest at transparent at nagbabayad ng tamang buwis.

Kaya may ilang netizens na nagkokomento na kapag nagkaroon daw ng puwesto si Kris sa gobyerno ay tiyak na hindi niya mapipigilan ang sarili na ibuking ang lahat ng malalaman niyang mga katiwalian.

Anyway, mukhang magkakakilala ng personal sina Kris at Mocha. Kasi inaaanyayahan ni Kris ang assistant secretary ng Presidential Communications Operation Office para magkape. Kaabang-abang ang mapagkukuwentuhan nila.

Ang bahagi ng latest post ni Kris sa Instagram, “May I invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all I’m nice in person.”

May nakakatuwa ring parte ng naturang post ni Kris tungkol sa “unfaithful BF” na nabanggit ni Mocha: “Please wag nang mag-lecture about an “unfaithful boyfriend?” Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an Ex.”

Kung pagbibigyan ni Mocha ang invitation, matitikman niya kung gaano kasarap magtimpla ng kape si Kris na nagkuwento ring bumili ng 3 Nespresso machines para hindi na siya umaalis ng bahay kapag may gusto siyang imbitahang magkape.

“I’ve bought 3 Nespresso machines, 2 for different areas of our home, 1 binabaon for work — and all the capsules of my favorites Dulsao, Bukeela, Linizio, and Vanilio plus Volluto Decaffeinato. Starbucks — I just ask Jack or Jane to please buy me Chai Tea Latte, soy, no foam but my coffee, it’s personal at home akong nagtitimpla with no expectations except just to enjoy the moment,” post ni Kris.

Nakarating na kaya kay Mocha ang imbitasyon sa kanya ni Kris? Go girls! At BALITAan agad ninyo kami sa mga mapagkukuwentuhan ninyo.

Tags: benigno aquinokris aquinonoynoy aquinoTea Latte
Previous Post

Beauty: Deserving magbakasyon sina Ellen at John Lloyd

Next Post

Folayang vs Nguyen

Next Post
Folayang vs Nguyen

Folayang vs Nguyen

Broom Broom Balita

  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.