• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Di gobyerno ang nagwaldas sa mega drug rehab

Balita Online by Balita Online
November 3, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Genalyn D. Kabiling

Walang pera ng taumbayan na nasayang sa pagpapagawa ng mega drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Ito ang tiniyak ng Malacañang sa publiko kahapon.

Isang araw makaraang sabihin ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na isang pagkakamali ang pagtatayo sa nabanggit na dambuhalang drug treatment facility, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang proyekto ay pinondohan ng isang pilantropong Chinese, at hindi ng gobyerno ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Santiago na hindi praktikal ang 10,000-bed drug treatment facility sa Nueva Ecija. Aniya, dapat na inilaan na lang ang ipinagpagawa nito sa pagpapagawa ng mga rehabilitation center sa bawat komunidad, na mangangailangan ng suporta ng pamilya ng mga pasyente.

“So, bagamat ganyan po ang opinion ng pinuno ng Dangerous Drugs Board, eh, ang assurance naman po natin, walang nasayang na pondo ng gobyerno. That was a decision made by the donor and we can’t do anything about it,” paliwanag ni Roque.

Gayunman, sinabi ni Roque na pag-aaralan ng gobyerno ang mungkahi ni DDB chairman sa pagkakaroon ng mga community-based drug treatment program.

“If we are to invest public funds, we will pursue the strategy recommended by the head of the DDB,” ani Roque.

Nag-donate ang Chinese tycoon na si Huang Rulun ng P1.4 bilyon para sa pagpapatayo ng dambuhalang drug rehabilitation facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, na labis na pinasalamatan ni Pangulong Duterte.

Tags: Dangerous Drugs BoardDionisio SantiagoFort MagsaysayHarry RoqueHuang Rulunnueva ecijaPedro Almazn
Previous Post

Paulo, ‘di nag-take advantage kay Ritz

Next Post

Huling convoy dry-run sa Nob. 8

Next Post

Huling convoy dry-run sa Nob. 8

Broom Broom Balita

  • Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS
  • LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!
  • BOC, kumpiyansang maabot collection target next year
  • Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad
  • 2 suspected carnappers, huli sa Batangas
Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

December 11, 2023
LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

December 10, 2023
BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

December 10, 2023
Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

December 10, 2023
2 suspected carnappers, huli sa Batangas

2 suspected carnappers, huli sa Batangas

December 10, 2023
Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, natagpuang patay

Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, natagpuang patay

December 10, 2023
Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

December 10, 2023
Zubiri sa pag-atake ng CCG sa PH vessels: ‘They have no heart’

Zubiri sa pag-atake ng CCG sa PH vessels: ‘They have no heart’

December 10, 2023
Mark Magsayo, ipinagdasal si Isaac Avelar matapos patumbahin

Mark Magsayo, ipinagdasal si Isaac Avelar matapos patumbahin

December 10, 2023
Magnitude 4.3 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

Magnitude 4.3 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.