Ni: Nitz Miralles
MAY reporter na komontak kay Marian Rivera pagkatapos lumabas ang post ni Dingdong sa Facebook. Wala palang alam si Marian sa ginawa ni Dingdong at ang reporter pa ang nagpadala kay Marian para kahit nasa taping pa siya ng Super Ma’am, mabasa na niya ang post ng asawa.
Iyak daw nang iyak si Marian sa nabasang sinulat at ipinost ni Dingdong. Ang nasabi na lang daw ni Marian ay mahal na mahal niya ang pamilya nila. Nagtatrabaho lang daw siya para sa future ng pamilya nila lalo na sa anak nilang si Zia.
Sa interview kay Marian, tinanong namin ito kung ano ang payo ni Dingdong sa kanya sa bagong isyu sa kanya? “Sabi niya, ‘wag kang papatol. Sino sila para bigyan ng oras. I will be behind your back.”
Pero mukhang si Dingdong ang hindi nakatiis at nag-post nga sa Facebook ng depensa kay Marian.
Samantala, sa papasok na linggo na sa Super Ma’am mapapanood si Marian na bago na ang costume. Ito ‘yung isa pa niyang costume na kita ang tiyan at abs at kaya nabago dahil sa mga nakukuhang sakras. Ang sabi ni Marian, hindi na makikita ang cleavage niya sa bagong costume.
“Dahil sa nakuha kong bagong sakras, lalakas pa si Super Ma’am. Lalakas ang mga paa ko, mas lalakas akong tumalon.
Exciting ang transformation ni Super Ma’am next week,” sey nga aktres.
Walang double si Marian sa action o fight scenes niya at malaking tulong sa kanya ang training niya sa kickboxing at Muay Thai. Lagi siyang pinaaalahanan ni Dingdong na mag-iingat.
Nabalita nang extended hanggang January 2018 ang Super Ma’am, ano ang masasabi niya sa magandang balitang ito?
“Happy ako dahil mas marami pa kaming maipapakita sa show, mas marami pang adventure. Nakakatuwa dahil ang ganda ng positive feedback at nalaman pa namin na ini-endorse ng DepEd na mapanood ng mga estudyante. Nakakatuwa dahil hindi na Marian ang tawag sa akin, kundi Super Ma’am,” pagtatapos ni Marian.