Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz
Ang mga Pilipino na bibisita sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay ay maaaring makaranas ng mga pagkidlat hanggang sa malakas na ulan, partikular na sa mga rehiyon ng Caraga, Davao at SOCCSKSARGEN, kabilang na ang Aurora province ngayong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang intertropical convergence zone (ITCZ) ay maghahatid ng ulan at pagkulog at pagkidlat sa Aurora, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Binabantayan ng PAGASA ang isang bagong low pressure area (LPA) na nasa 625 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Samantala, iiral ang hanging amihan sa Northern Luzon na magdadala ng maulap na panahon na may mana-nakang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Mararanas naman ng maulap na may kalat-kalat na ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.