• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

UAAP: Pasaol, muling ibinidang POW

Balita Online by Balita Online
October 24, 2017
in Basketball
0
UE's Alvin Pasaol (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

UE's Alvin Pasaol (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAHIL sa kahanga-hangang performance at liderato sa loob at labas ng court, si Alvin Pasaol ang nagsisilbi ngayong “heart and soul “ ng University of the East (UE).

Kaya naman hindi kataka -takang nagsisimula nang umangat ang kanilang laro para buhayin ang tsansa nilang umabot sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

UE's Alvin Pasaol  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
UE’s Alvin Pasaol (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Umiika-ika pa dahil sa leg cramps sa huling bahagi ng laro, hindi bumitaw si Pasaol at nagpatuloy sa paglalaro at bumitaw pa ng mga clutch baskets hanggang tumapos na may 32 puntos upang ihatid ang Red Warriors sa panalo kontra University of the Philippines (UP), 73-64, nitong Linggo na naging susi upang mapili siya bilang UAAP Press Corps-Chooks To Go Player of the Week .

Ito ang ikalawang pagkakataon na tumanggap siya ng nasabing citation matapos maitala ang historic 49-point performance sa kabila ng 100-106 kabiguan sa defending champion De La Salle na sinundan ng 32 puntos sa 96-91 panalo nila laban sa University of Santo Tomas.

Ang sophomore sensation ang siyang main man na nasa likod ng pagsirit ng UE sa nakaraang tatlo nilang panalo sa nakalipas na apat na laro na nag -angat sa kanila sa 3-7 marka.

Ngunit para sa league no. 2 scorer na may average na 22.2 points per game ,7.1 rebounds, 1.3 assists at 1.3 steals, lahat ay dulot ng sistema ni coach Derrick Pumaren at sa tulong ng kanyang teammates.

“Siguro nag-stick lang kami sa game plan namin para manalo kami ngayon. Maganda rin pinakita ng mga teammates ko, the way sila dumepensa, “ anang 6-foot-3 forward, na inungusan sina Santi Santillan ng De La Salle at Matt Nieto ng Ateneo para sa weekly citation.

Para kay Pumaren, si Pasaol ay isang napaka espesyal na manlalaro kumpara sa iba na kanyang mga nahawakan sa kanyang coaching career.

“Alvin, his game, has been ready. If he wants to score he can score. Very deceiving,” ani Pumaren. “Medyo ‘yung katawan. Akala natin hindi kaya ng katawan pero you’ll be surprised. He is willing to sacrifice his body. Alvin is a very special player so far na nahandle ko.” – Marivic Awitan

Tags: Alvin PasaolUAAP Press Corpsuniversity of santo tomasuniversity of the east
Previous Post

P300B utang ng teachers problema ng DepEd

Next Post

2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders-2)

Next Post
Cockfighting | Pixabay

2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders-2)

Broom Broom Balita

  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.