• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Nasopresa si Pogoy sa RoY

Balita Online by Balita Online
October 22, 2017
in Features, Sports
0
Nasopresa si Pogoy sa RoY

TNT's RR Pogoy is awarded as Rookie of the Year during the 42nd PBA Governors' Cup at Smart Araneta Coliseum, October 20, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni ERNEST HERNANDEZ

TALIWAS sa reaksiyon ng nakararami, gulat at hindi makapaniwala si Roger Pogoy ng Talk ‘N Text Katropa sa kanyang pagkakahirang na Rookie of the Year (RoY) sa 2017 PBA Leo Awards nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

TNT's RR Pogoy is awarded as Rookie of the Year during the 42nd PBA Governors' Cup at Smart Araneta Coliseum, October 20, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
TNT’s RR Pogoy is awarded as Rookie of the Year during the 42nd PBA Governors’ Cup at Smart Araneta Coliseum, October 20, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

“Alam ko na candidate lang ako. Hindi ko akalain na ako magiging Rookie of the Year,” pahayag ni Pogoy.

Aniya, dumating siya sa awarding ceremony bilang pagtalima sa kautusan ng management. Kaya laking gulat niya nang marinig ang pangalan ng tatanggap ng RoY Award.

“Hindi ko talaga ma-describe. Parang nanginginig ako na hindi ko alam ang pakiramdam,” sambit ng Gilas Pilipinas mainstay.

Tunay na mapaghamon sa kanyang career ang taong kasalukuyan bunsod na rin ng pagkakahati ng kanyang atensiyon na tulungan ang Katropa sa kampeonato sa tatlong conference, gayundin ang kanyang responsibilidad bilang national player.

Sa bagong batch ng mga bagito, tunay na hindi pahuhuli ang talento nina Matthew Wright ng Phoenix Fuel Masters at Jio Jalalon ng Star Hotshots—tulad niya ay miyembro rin ng Gilas—ngunit angat ang kanyang katayuan sa kabuaan ng season.

“Sobrang blessed at masaya na nakuha ko ang Rookie of the Year. Deserving din naman sila, si Matt tsaka si Jio, pati ‘yung ibang rookies,” aniya.

Naitala ni Pogoy ang averaged 13.4 puntos at tatlong rebounds. Sa tangan na parangal, inaasahang mas hihigitan niya ang mga numero para sa koponan.

“Pagbutihan ang performance. Kung puwede times two pa ‘yung performance,” pahayag ng dating FEU standout.

Hindi naman nakalimutan ni Pogoy na pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay.

“Unang-una, kay God talaga. Kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito,” sambit ni Pogoy. “Next ‘yung family ko, management namin lalong-lalo na kay Boss MVP, Boss Ato, sa lahat ng coaching staff, kay Coach Nash (Racela) at sa teammates ko.”

Tags: Leo AwardsMatthew WrightRoger PogoySmart Araneta ColiseumWireless Telecom
Previous Post

Zsazsa at Martin, future balae kina Zia at Robin

Next Post

I’m getting old and I have to stop childish things — Hero Bautista

Next Post
I’m getting old and I have to stop childish things — Hero Bautista

I'm getting old and I have to stop childish things -- Hero Bautista

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.