• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

PBA: Bolts, tatabla sa Kings?

Balita Online by Balita Online
October 20, 2017
in Sports
0
Basketball | Pixabay
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Marivic Awitan

Laro ngayon
(Araneta Coliseum)
7:00 n.g. — Meralco vs Ginebra
(Best-of-Seven, Kings, 2-1)
Game 1: Ginebra 102-87 Meralco
Game 2: Ginebra 86-76 Meralco
Game 3: Meralco 94-81 Ginebra

MAKALARGA na nang tuluyan ang Ginebra o makatabla ang Meralco.

Ito ang senaryo na nais maganap ng mga tagahanga ng magkabilang koponan sa pagpalo ng Game 4 ng PBA Governors Cup bst-of-seven championship ngayon sa Araneta Coliseum.

Napigil ng Bolts ang ratsada ng Kings ng maagaw ang 94-81 panalo sa Game 3 nitong Miyerkules, sa pamumuno nina Best Import Allen Durham at veteran forward Reynel Hugnatan.

Nagsalansan si Durham ng 38 puntos at 20 rebounds habang nagdagdag si Hugnatan ng 22 puntos na tinampukan ng pitong triples off-the-bench para giyahan ang Bolts sa pagpuwersa ng Game Four.

Gayunman, kapalit ng naturang panalo ang masaklap na pangyayari sa kanilang beteranong wing man na si Ranidel de Ocampo.

Hindi makakalaro si de Ocampo matapos magtamo ng strained left calf muscle.

“It’s gonna be tough going forward, especially with Ranidel being out,” pag -amin ni Bolts coach Norman Black. “But at the same time, we still have some guys that are out there fighting. We’ll go to war with them and we’ll do the best we can.”

Sa pagkawala ni de Ocampo, inaasahan ni Black na mag -step-up upang sumuporta kay Durham sina Hugnatan, Chris Newsome, Cliff Hodge, Jared Dillinger at Baser Amer.

Para naman sa Kings, tiyak namang magkukumahog upang makabawi sina import Justine Brownlee katulong ang mga locals na sina LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Sol Mercado at Greg Slaughter.

Tags: Allen DurhamAraneta ColiseumChris Newsomeginebrajapeth aguilarJared DillingermeralcoScottie ThompsonSol Mercado
Previous Post

Governance Report Card: Very good—SWS

Next Post

Cardinal Vidal sa Oktubre 26 ang libing sa Cebu

Next Post

Cardinal Vidal sa Oktubre 26 ang libing sa Cebu

Broom Broom Balita

  • Yakapan nina Marian, Heart spotted sa bday party ni Atty. Gozon
  • Int’l support para sa Pilipinas kaugnay ng pag-atake ng China sa WPS, bumuhos
  • Kinaya ang laban: Kilalanin ang cancer survivor na nakapasa sa 2023 Bar exams
  • SMNI lawyer, iginiit na totoo ‘hunger strike’ nina Celiz, Badoy: ‘It’s not intermittent fasting’
  • ‘Ere’ ni JK, hinugot sa break-up nila ni Maureen
Yakapan nina Marian, Heart spotted sa bday party ni Atty. Gozon

Yakapan nina Marian, Heart spotted sa bday party ni Atty. Gozon

December 11, 2023
Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

Int’l support para sa Pilipinas kaugnay ng pag-atake ng China sa WPS, bumuhos

December 11, 2023
Kinaya ang laban: Kilalanin ang cancer survivor na nakapasa sa 2023 Bar exams

Kinaya ang laban: Kilalanin ang cancer survivor na nakapasa sa 2023 Bar exams

December 11, 2023
SMNI lawyer, iginiit na totoo ‘hunger strike’ nina Celiz, Badoy: ‘It’s not intermittent fasting’

SMNI lawyer, iginiit na totoo ‘hunger strike’ nina Celiz, Badoy: ‘It’s not intermittent fasting’

December 11, 2023
‘Ere’ ni JK, hinugot sa break-up nila ni Maureen

‘Ere’ ni JK, hinugot sa break-up nila ni Maureen

December 11, 2023
Rendon, pinuna advice ni Lolit kay Paolo

Rendon, pinuna advice ni Lolit kay Paolo

December 11, 2023
Marcos, dadalo sa ASEAN-Japan Summit sa Disyembre 15

Marcos, dadalo sa ASEAN-Japan Summit sa Disyembre 15

December 11, 2023
Sarah nilinaw ang tungkol sa kumakalat na quote kontra Annabelle, mother-in-laws

Sarah nilinaw ang tungkol sa kumakalat na quote kontra Annabelle, mother-in-laws

December 11, 2023
PBBM: ‘Mananatiling prayoridad ang mga manggagawang Pilipino’

PBBM, iginiit karapatan ng PH sa Ayungin: ‘We remain undeterred’

December 11, 2023
Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

Dahil sa pag-atake sa WPS: Diplomatic protest vs China, inihain ng DFA

December 11, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.