• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Di dapat makampante kontra terorismo

Balita Online by Balita Online
October 20, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Inihayag ng Malacañang na ang paglaya ng Marawi City mula sa terorismo ay hindi nangangahulugang makakampante na ang gobyerno, dahil may mga tao pa ring nagsisikap na maipagpatuloy ang rebelyon ng mga terorista.

Ito ay kasunod ng pagkumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakadakip kay Karen Aizha Hamidon, 36, na sinasabing recruiter ng Maute Group at Islamic State (IS).

“The arrest of Karen Aizha Hamidon by the agents of the National Bureau of Investigation yesterday (Wednesday) underscores that we cannot let our guard down in the fight against terrorism as some remnants of the forces of evil are still at large,” sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa press briefing kahapon. “Our efforts to hunt down extremist elements who want to sow fear and terror, and want to maintain peace and order in the community, continue.”

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Abella ang publiko na manatiling alerto at kaagad na isumbong sa mga awtoridad ang alinmang kahina-hinalang tao, insidente, o bagay na mamamataan.

Paliwanag pa ni Abella, natagalan ang pagdakip kay Hamidon dahil kinailangan pang beripikahin ng intelligence community sa bansa ang mga impormasyong ipinarating ng gobyerno ng India laban kay Hamidon.

Una nang napaulat na Agosto 2016 pa nakikipag-ugnayan ang National Intelligence Agency ng India sa Pilipinas tungkol kay Hamidon, na natunton sa pagre-recruit ng mga Indian para magtungo sa Syria at sumali sa IS.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, Oktubre 11 nang arestuhin ng mga operatiba ng NBI-Counter Terrorism Division si Hamidon sa bahay nito sa Taguig City, matapos matunton nang mag-post sa mga public group sa social media app na Telegram.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Hamidon ang mga Muslim na magtungo sa Pilipinas at sumali sa pakikipaglaban ng IS sa Marawi, sa layuning makapagtayo ng wilayah o probinsiya ng IS sa siyudad.

Tags: Dante GierranErnesto AbellaKaren Aizha HamidonMarawi Citynational bureau of investigationNational Intelligence Agencytaguig city
Previous Post

QCinema int’l filmfest, secret nga ba?

Next Post

Magsi-Simbang Gabi exempted sa curfew

Next Post

Magsi-Simbang Gabi exempted sa curfew

Broom Broom Balita

  • PBEd, iginiit na ‘unfair’ sabihing nabigo ang K to 12 program
  • Kylie Verzosa, Pauline Amelinckx, ilang pang Pinay titleholders suportado ang paglaladlad ni Michelle Dee
  • OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, patuloy sa pagbaba
  • Night Owl: Artificial Intelligence
  • Night Owl: Smart cities
PBEd, iginiit na ‘unfair’ sabihing nabigo ang K to 12 program

PBEd, iginiit na ‘unfair’ sabihing nabigo ang K to 12 program

May 30, 2023
Kylie Verzosa, Pauline Amelinckx, ilang pang Pinay titleholders suportado ang paglaladlad ni Michelle Dee

Kylie Verzosa, Pauline Amelinckx, ilang pang Pinay titleholders suportado ang paglaladlad ni Michelle Dee

May 30, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, patuloy sa pagbaba

May 30, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Night Owl: Artificial Intelligence

May 30, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Night Owl: Smart cities

May 30, 2023
Unang sariling pageant ng Miss Grand Int’l PH, aarangkada na rin

Nagdagdag pa! 3 titulo na ang masusungkit sa kauna-unahang Miss Grand PH pageant

May 30, 2023
7-anyos na bata, 3 pang katao nalunod sa Batangas

7-anyos na bata, 3 pang katao nalunod sa Batangas

May 30, 2023
Typhoon Betty, patuloy na bumabagal; Batanes, nakataas pa rin sa Signal No. 2

Typhoon Betty, patuloy na bumabagal; Batanes, nakataas pa rin sa Signal No. 2

May 30, 2023
‘Kapagod na maningil!’ Ogie Diaz, kaya ba ng sikmurang ipakulam mga may utang sa kaniya?

‘Kapagod na maningil!’ Ogie Diaz, kaya ba ng sikmurang ipakulam mga may utang sa kaniya?

May 30, 2023
89% ng mga Pinoy, ‘satisfied’ sa takbo ng demokrasya sa bansa – SWS

46% ng mga Pinoy, nagsabing ‘di nabago kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan – SWS

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.