MOSCOW (AP) — Umatras si Johanna Konta sa Kremlin Cup, ayon sa pahayag ng WTA. Bunsod nito, nakuha ni Caroline Garcia ang ikawalo at huling berth sa WTA Finals.
Nagtamo ng pinsala ang kaliwang paa ni Konta dahilan para hindi rin makalahok sa Hong Kong Open sa susunod na linggo.
Nagtagumpay naman si Garcia sa Beijing at Wuhan tournament.
Bunsod ng desisyon ni Konta, tinanghal si Garcia na unang Frenchwoman mula nang maglaro si Amelie Mauresmo noong 2006 na nagkwalipika sa end-of-season finals na magsisimula sa Oct. 22 sa Singapore.
Ang iba pang kwalipikado ay sina No. 1 Simona Halep, Garbine Muguruza, Karolina Pliskova, Elina Svitolina, Venus Williams, Caroline Wozniacki at Jelena Ostapenko.