• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Pasaol: Markado sa UAAP

Balita Online by Balita Online
October 10, 2017
in Features, Sports
0
Pasaol: Markado sa UAAP
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Marivic Awitan

ISANG puntos lamang ang kakulangan sa markang 50 puntos ni Alvin Pasaol ng University of the East sa UAAP men’s basketball championship.

pasaol copy

Gayunman, naitala sa libro ng premyadong collegiate league sa bansa ang 49 puntos ng sweet-shooting star ng Warriors na kauna-unahan sa kasaysayan ng liga.

At nagawa ni Pasaol ang marka laban sa La Salle Green Archers – itinuturing defensive team sa kasalukuyan sa kabila nang iniindang sakit sa napinsalang kanang paa.

Nasundan niya nang impresibong 32 puntos sa panalo ng Warriors kontra University of Santo Tomas Tigers nitong Sabado.

Bunsod nito, walang duda na karapat-dapat kay Pasaol ang Chooks-to-Go UAAP Press Corps Player of the Week award.

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa, iginiit ng 21 anyos mula sa Davao City na nagawa niyang maging matatag sa tulong ng kanyang teammates at sa tiwalang ibinigay ng coaching staff.

Naiposte ni Pasaol ang 49 puntos sa 100-106 panalo kontra powerhouse Green Archers.

“Nilaro ko lang ‘yung talagang best ko na hinihingi ni (Coach Derrick Pumaren) sa akin,” pahayag ni Pasaol. “Nag-stick lang talaga (ako) sa game plan namin. Salamat din sa mga teammates ko kasi hindi ko naman makukuha ‘yung 49 points kung hindi dahil sa kanila.”

Si Pasaol ang unang college player sa UAAP na umiskor ng mahigit 40 puntos sa nakalipas na isang dekada.

Huling nakagawa nito si Jeff Napa, isa nang ganap na coach ng Letran College, nang umiskor ng 43 puntos noong Agosto 22, 2002. Nilagpasan din nya ang naitalang record ng kapwa Warriors na si Allan Caidic na 46 puntos.

Tinalo ni Pasaol para sa lingguhang citation sina Matt Nieto ng Ateneo, Jerrick Ahanmisi ng Adamson, at Ben Mbala ng La Salle .

“Alvin is different compared to (Jun) Limpot, Allan (Caidic) [na] nahawakan ko sa amateur. Alvin is like akala mo, hindi nya alam yung play, parang hindi nakikinig pero once you start the play, he knows it,” pahayag ni UE coach Derrick Pumaren.

“First time ata that I’ve coached a local that scored 49. Kasi dati import lang ang nakaka-score [ng ganoon ka taas] pero ngayon, he really gave us a show,” dagdag nito.

Tags: Alvin Pasaoldavao citygreen archersJeff Napaletran collegeMatt Nietouniversity of santo tomasuniversity of the east
Previous Post

Enderun, angat sa NAASCU title

Next Post

Sitcom ni John Lloyd, nanganganib na masibak

Next Post
John Lloyd Cruz

Sitcom ni John Lloyd, nanganganib na masibak

Broom Broom Balita

  • ₱183.6M shabu, nadiskubre sa inabandonang kotse sa Parañaque
  • Andoy Ranay, may sagot sa bashers na nagkukumpara sa ‘Dirty Linen’ at ‘Widow’s Web’
  • Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaking isda sa Cagayan
  • Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua
  • Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.