• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Tristan at Toni, nagkaaminan na

Balita Online by Balita Online
October 6, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Tristan at Toni, nagkaaminan na
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Reggee Bonoan

MAY unawaan na sina Tristan (Daniel Padilla) at Toni/Malia (Kathryn Bernardo) sa episode na napanood nitong Miyerkules sa La Luna Sangre. Nagtapat na ang binata sa dalaga na tinanong din niya ng diretso kung gusto rin ba siya nito.

DANIEL AT KATHRYN copy

Hindi nabigo si Tristan dahil sinagot din siya agad ni Toni/Malia at umamin na ayaw nitong may masamang mangyari sa kanya sabay sabing, “Bago ka pa makaisip ng kung anu-ano, tara na umuwi na tayo” na ikinangiti ng binata.

Tiyak na nagbubunyi na ang KathNiel supporters na pagkatapos ng 14 na linggo sa ng La Luna Sangre ay opisyal nang may unawaan ang dalawang bida ng fantaseryeng sinusubaybayan nila.

Nagsanib-puwersa na rin ang grupo ng Moonchasers sa pangunguna ni Prof T (Albert Martinez) at grupong La Liga Unida nina Joross Gamboa, Ina Raymundo at Bryan Santos para masugpo na si Supremo/Gilbert Imperial (Richard Gutierrez) at Senator Paglinawan (Freddie Webb).

Samantala, nalaman na ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) kung bakit hindi marunong magmahal si Supremo, dahil hindi pala ito nakaramdam ng pagmamahal simula pagkabata, hindi ito tanggap ng lolo’t lola at ng nanay na ikinulong pa siya.

Tanging ang yaya nito ang nagparamdam ng pagmamahal sa bata at ito ang nagtakas nu’ng natunugang papatayin ang alaga hanggang sa napadpad sa kagubatan at kinuha ng misteryosong si Barang at hindi na nakita simula noon.

Inaalam na ngayon ni Jacintha kung sino si Barang at gusto rin siyang makita ni Samantha (Maricar Reyes-Poon) dahil isa rin pala siyang gabay tulad ni Jethro (Dino Imperial).

Tiyak na marami pa ang nahahalukay na lihim sa La Luna Sangre.

Excited na kami kung kailan lalabas ang tunay na kapangyarihan ni Malia bilang bagong itinakda. Mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento ng La Luna Sangre dahil sabi ng source namin, posibleng abutin ito hanggang 2018.

Previous Post

Jerome Ponce, mahusay na kontrabida

Next Post

Checkpoint sa Metro tuloy pa rin

Next Post

Checkpoint sa Metro tuloy pa rin

Broom Broom Balita

  • 177,860 turista ang naitala sa Boracay noong Enero; datos, nakitaan ng 222% na pagtaas
  • Jackpot prize ng Grand, Mega Lotto nitong Miyerkules ng gabi, naging mailap pa rin
  • Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng ‘Mga Lihim ni Urduja’
  • Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’
  • Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.