• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

KAPIT PA!

Balita Online by Balita Online
September 30, 2017
in Features, Sports
0
KAPIT PA!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Marivic Awitan

*semifinalist
Mga laro sa Martes
(FilOil Flying V Center)
12 n.t. — Perpetual vs San Beda (jrs/srs)
4 n.h. — St. Benilde vs JRU (srs/jrs)

JRU Bombers at Letran Knights, tumibay sa Final Four.

NAPATATAG ng Jose Rizal University at Letran ang katayuan para sa nalalabing dalawang slots sa Final Four sa magkahiwalay na panalo kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan Arena.

Untitled-1 copy copy

Inilampaso ng Heavy Bombers ang University of Perpetual Altas, 85-52, habang nanaig ang Letran sa sibak ng Emilio Aquinaldo College, 84-78, para makopo ang No.3 at No.4 slots sa kasalukuyan labanan sa Final Four.

Tangan ng walang talong Lyceum of the Philippines (14-0) at San Beda College (13-1) ang top two spot sa Final Four at ang kaakibat na twice-to-beat advantage sa playoffs.

Hawak ang 8-6 at 8-7 karta, bahagyang nakalalamang ang Jose Rizal at Letran sa naghahabol ding San Sebastian College (7-6). Bagsak na rin ang EAC sa 6-9.

Mainit ang naging simula ng Heavy Bombers, sa pangunguna ni Mark de la Virgen, para sa 17-5 bentahe. Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Bombers at tuluyang nakontrol ang laro hanggang sa final buzzer.

Bagama’t umangat sa solong ikatlong puwesto, wala pang dahilan upang magsaya ayon kay coach Vergel Meneses.

Dahil dito, itinuturing niyang krusyal ang mga susunod nilang laban na dapat nilang paghandaam kabilang na ang susunod na laro kontra sa sinak na ring St. Benilde Blazers.

Tumapos si de la Virgen na may 18-puntos gayundin si Abdel Poutouchi para pangunahan ang JRU habang nag -iisang nagtala ng double digit para sa Altas si Prince Eze na may 23-puntos.

“It’s just one win. We need to win more to make it to the Final Four,” pahayag ni Meneses.

Nanguna sa Altas si Nigerian Prince Eze sa natipang 23 puntos at 20 rebounds at tatlong blocks.

Iskor:
(Unang laro)
Jose Rizal (85)- dela Virgen 18, Poutouochi 16, Mendoza 12, Grospe 8, David 8, Teodoro 8, Lasquety 6, Adul Razak 5, Bordon 2, Mariano 2, Mate 0, Pontejos 0, Sibangan 0, Sawat 0

Perpetual Help (52)- Eze 23, Pido 8, Sadiwa 8, Tamayo 3, Mangalino 3, Hao 3, Coronel 2, Ylagan 2, Dagangon 0, Casas 0, Clemente 0, Singontiko 0, Yuhico 0, Lucente 0

Quarterscores: 17-5; 39-15; 64-39; 85-52

(Ikalawang laro)
Letran (84)- Quinto 27, Nambatac 19, Calvo 16, Balanza 8, Gedaria 5, Vacaro 4, Balagasay 2, Taladua 2, Mendreza 1, Bernabe 0

EAC (78)- Onwubere 25, Munsayac 15, Bautista 10, Diego 10, Bugarin 6, Garcia 6, Mendoza, I. 2, Mendoza, J. 2, Tampoc 2, Corilla 0, Neri 0, Pascua 0

Quarterscores: 23-15; 50-34; 72-58; 84-78

Tags: Emilio Aquinaldo Collegejose rizal universityMark de la Virgensan beda collegeSan Juan Arenasan sebastian collegevergel meneses
Previous Post

Inggiterong aktor, nuknukan ng yabang

Next Post

Retraining para sa Caloocan cops sa Lunes

Next Post

Retraining para sa Caloocan cops sa Lunes

Broom Broom Balita

  • Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama
  • Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin
  • ‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes
  • Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila
  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama

Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama

October 4, 2023
Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

October 4, 2023
‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

October 4, 2023
Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

October 4, 2023
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.