• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

Marawi: CSC official patay sa ligaw na bala

Balita Online by Balita Online
September 9, 2017
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni ALI G. MACABALANG

COTABATO CITY – Patay sa ligaw na bala ang assistant regional director ng Civil Service Commission (CSC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang bumisita sa Marawi City sa Lanao del Sur nitong Huwebes.

Nasapol ng bala sa ulo si CSC-ARMM Assistant Director Marvin Ablando, 45, ayon sa report mula kay ARMM regional police director, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.

Bahagya namang nasugatan sa noo ang immediate boss ni Ablando na si CSC-ARMM Director Sandra Arnica Uzman, 43, na kasama niya sa pagbisita sa siyudad.

Ayon kay Chief Supt. Sindac, patungo sina Ablando at Uzman sa kapitolyo ng Lanao del Sur sa Marawi mula sa Mindanao State University main campus nang matamaan ng ligaw na bala ang kanilang sasakyan nitong Huwebes.

Batay sa salaysay ng hindi pinangalanang driver nina Ablando at Uzman, nakarinig siya ng “burst of gunfire before a bullet hit the windshield”, ayon kay Army Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom).

Isinugod sina Ablando at Uzman sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi ngunit dead on arrival na ang una, ayon sa militar.

Ayon kay Petinglay, iniimbestigahan na ng awtoridad kung ligaw na bala o sadyang pinaputukan ang mga biktima.

Tags: Ali G. Macabalangcivil service commissionJo Ann PetinglayMarvin AblandoReuben Theodore SindacSandra Arnica Uzman
Previous Post

5 sa ALAO Bus robbery-holdup group laglag

Next Post

Faeldon magpapakulong na lang sa Lunes

Next Post
KULONG N’YO NA LANG AKO! Kinumusta ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kanyang mga tagasuporta matapos ang ambush interview sa kanya sa harap ng bahay ng kanyang kapatid sa Taytay, Rizal, kahapon. Iprinisinta sa kanya ng Senate Office of the Sgt-at-Arms ang memo na nag-aatas sa kanyang dumalo sa Senate hearing sa Lunes, pero sinabi niyang susuko na lang siya sa araw na iyon pero hinding-hindi na haharap sa mga senador. (MARK BALMORES)

Faeldon magpapakulong na lang sa Lunes

Broom Broom Balita

  • Marcos, lumipad na pa-Japan
  • Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’
  • Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’
  • 47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog
  • Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.