• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Jen at Mark, balik-tambalan

Balita Online by Balita Online
August 27, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Jen at Mark, balik-tambalan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni NORA CALDERON

NAGSIMULA bilang magka-love team sina Jennylyn Mercado at Mark Herras nang manalo sila sa Starstruck ng GMA-7 at nakagawa ng mga pelikula at TV series sa Siyete.

MARK AT JENNYLYN copy

Naging real life sweethearts sila na hindi nagtagal dahil agad ding nag-break. Pero nanatili ang pagiging friends nila, sa katunayan ay sila ang naging center ng close na samahan ng first batch ng Starstruck, hanggang ngayon. Kahit may asawa’t anak na ang iba, patuloy silang malapit sa bawat isa.

May asawa na si Nadine Samonte na may one year old daughter na nag-celebrate ng birthday kahapon, si Yasmien Kurdi ay mayroon na ring 3-year old daughter, si Katrina Halili ay may 4-year old daughter naman. Si Jennylyn, may 6-year-old son, si Jazz. At si Mark, meron na ring daughter. Wala pang asawa o anak sina Vaness del Moral, Sheena Halili, Jade Lopez, na inggit na rin sa batchmates nila. Happy si Jen with boyfriend Dennis Trillo at si Mark, sa girlfriend na si Wyn Marquez.

Matagal-tagal na ring hindi nagtatambal sina Jennylyn at Mark kaya nabuhay ang loob ng JenMark fans nang may mga kumalat na behind-the scene-photos nila online. Agad nag-conclude ang lahat ng fans na may ginagawa silang project.

Natuwa ang fans nila nang makumpirma na muli ngang magtatambal sina Jen at Mark, at ito’y mapapanood sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

Excited ang kanilang fans na muli silang mapanood at magkakaroon ng happy ending sa istoryang gagawin, pero mukhang may hahadlang sa kanila, dahil kasama nila si Dion Ignacio. Kaabang-abang din kung ano naman ang magiging role ni Eugene Domingo sa relasyon nina Jen at Mark sa kuwento.

After ng My Love From The Star, busy si Jennylyn sa shooting ng 2017 Metro Manila Film Festival entry nila ni Derek Ramsay na Almost Is Not Enough. Si Mark naman ay todo-support kay Wyn na isa sa finalists ng Miss Philippines World na coronation night na sa September 3 at mapapanood sa GMA-7.

Tags: 2017 Metro Manila Film Festivaldennis trilloDion IgnacioJade Lopezkatrina halilimark herrasnadine samonteSheena Halili
Previous Post

PBA: Markadong Hotshots vs Painters

Next Post

Bautista inilaglag ng PCGG

Next Post

Bautista inilaglag ng PCGG

Broom Broom Balita

  • Guro sa Koronadal City, naging ‘part-time teacher, full-time babysitter’ ng fur babies
  • All-out war vs ‘ghost’ receipts, pinaigting ng BIR
  • 5 drug personalities, arestado; drug den, binuwag sa Mabalacat City
  • ‘Anak’ ni Julia Montes, dalaga na; hinangaan ang ganda
  • DepEd, walang planong ibalik ang summer break sa Abril at Mayo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.