NI: Bella Gamotea
Dahil sa pagkakasuspinde ng Uber Systems Inc., na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tinatayang nasa limang porsiyento ang nabawas sa siksikan ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ito ang inihayag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim nang bahagyang lumuwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila kasunod ng hindi pagpapabiyahe sa 60,000-70,000 units ng Uber.
Gayunman, aminado si Lim na nananatiling malala ang problema sa trapiko sa Metro Manila dahil sa dami ng sasakyan.
Matatandaan na isang buwang suspensiyon ang ipinataw ng LTFRB laban sa Uber dahil sa paglabag sa moratorium sa pag-a-accredit ng mga bagong driver at pagpoproseso ng mga aplikasyon.