• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Faeldon, umalis na sa BoC

Balita Online by Balita Online
August 24, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Bert de Guzman

SA wakas, tinanggap na rin ni President Rodrigo Roa Duterte ang resignation ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon bunsod ng kontrobersiyal na pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu galing sa Xiamen, China.

Pinalitan siya ni ex-PNP Gen. Isidro Lapena, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bilang bagong puno ng Customs, ang ahensiya na tinawag ni Mano Digong na “corrupt to the core.”

Buo pa rin daw ang tiwala ng Pangulo kay Faeldon. Naniniwala siyang matapat at malinis ito. Baka ilipat siya sa ibang tanggapan. ‘Di ba sabi niya noon kahit sa higing lang ng usapan (just a whiff), tatanggalin niya ang puno ng isang ahensiya o departamento? ‘Di ba sinibak niya sina DILG Sec. Mike Sueno at NIA administrator Peter Lavina dahil may “whiff of corruption” umano sa kanilang tanggapan? ‘Pag wala na si Faeldon, wala na rin kaya ang tsismis tungkol sa Davao Group na nangungulekta umano ng “tara” sa BoC?

Alam ba ninyong si Lapeña ay nagsilbing pinuno ng PNP sa Davao City noong si PRRD pa ang mayor ng lungsod? Ang papalit sa kanya ay si PNP-Southern Luzon Regional Director Chief Supt. Aaron Aquino na nagsilbi rin sa Davao City police noong alkalde pa ang Pangulo. Sina Lapeña at Aquino ay “trusted men” ni PDU30 sa loob ng maraming taon sa Davao City bilang police officers.

Tiniyak ng Pangulo na hindi pagtatakpan o “whitewash” ang pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos, ang 17-anyos na estudyante na napatay ng mga pulis-Caloocan. Sa unang pagkakataon, mukhang tototohanin ni PRRD ang banta niya noon sa mga tiwali at tarantadong pulis na “there’s a hell to pay” sa Unang Sona niya noong 2016.

Pinalakpakan siya ng taumbayan nang ipangako na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, susugpuin ang illegal drugs, itutumba ang drug lords, dealers, pushers at users upang mawala ang salot na droga. Pero, lumilitaw ngayon na parang mga pipitsuging pushers at user lang ang itinutumba ng mga bata ni Gen. Bato, subalit ang mga panginoon at supplier ng shabu at iba pang mga uri ng bawal na gamot ay dinadala pa sa Senado at nagpapaliwanag.

Sana ay hindi magbago ng isip si Pres. Rody nang sabihin niyang “Erring cops will be jailed.” Sana raw ay hindi matulad ang kaso ng mga pulis na brutal na pumaslang kay Kian sa kaso ni PNP Supt. … Marvin Marcos, na akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Espinosa matapos ibaba ang murder case sa homicide, pinalaya at na-promote pa. Ang pagkamatay ni Kian ay nakatatak sa utak ng mga Pilipino, kabilang ang mga senador na nagsasalita na ngayon, at waring hindi na urong “ang mga bayag” sa gitna ng maramihang pagpatay bunsod ng illegal drug war nina PRRD at Gen. Bato.

Matindi rin ang panawagan sa mga Pilipino nina Cardinal Tagle at Archbishop Soc. Villegas tungkol sa walang habas na pagpatay sa ngalan ng giyera sa droga!

Tags: bocFaeldon
Previous Post

Lanao Norte mayor kinasuhan na

Next Post

3 tiklo sa P2-M ‘shabu’

Next Post

3 tiklo sa P2-M 'shabu'

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.