• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Parang gusto ko nang magkaanak – Billy Crawford

Balita Online by Balita Online
August 14, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Billy Crawford

Billy Crawford

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Billy Crawford
Billy Crawford

Ni LITO T. MAÑAGO

“PARANG gusto ko nang magkaanak dahil sa show na ito,” biro ng indefatigable host na si Billy Crawford bago ginanap ang special preview ng pilot episode ng PH franchise ng Little Big Shots sa Dolphy Theater kamakailan.

Parehong sumalang sa audition sina Billy at Ogie Alcasid pero nanggaling ang final say sa Warner Bros., ang franchise owner ng Little Big Shots na konsepto nina Ellen de Generes at Steve Harvey.

Walang kinalaman ang staff ng programa at network sa pagpili ng host.

“Hindi ko iniisip na makukuha ko ‘yung hosting,” sabi ni Billy.

Nilinaw ni Billy na hindi host kundi ‘yung mga batang edad 2 hanggang 12 ang bida sa programa.

“Sa title pa lang, Little Big Shots, kaya ang mga big star natin dito ‘yung mga kabataan. It was a challenging role for me to play kasi I would expect, like Steve Harvey or other hosts sa ibang bansa, mga parents na po sila. So, ‘yun po ‘yung sa akin.

“I guess, ibinigay na ni Lord ito sa akin and I really couldn’t ask for more. So happy to have this show,” lahad ng fiancé ni Coleen Garcia.

“Ilang beses na naming napanood ‘yung pilot episode and every time na pinanonood namin, naa-amazed kami lagi. There is always something that makes us smile,” pagtatapat niya.

“’Binuhos po namin ‘yung puso namin dito sa programang ito and I couldn’t thank God more for this opportunity para makilala natin ‘yung mga genius, talented, and cute na mga batang ito. So, thank you so much.”

Nag-pilot na ang Big Little Shots nitong nakaraang weekend at mapapanood kada Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

Tags: billy crawfordColeen GarciaEllen de GeneresSteve HarveyWarner Bros
Previous Post

Pinoy Jesuit na nasawi sa Cambodia, gagawing santo

Next Post

7 Navotas cop sumuko sa ‘pangongotong’

Next Post

7 Navotas cop sumuko sa 'pangongotong'

Broom Broom Balita

  • Ogie Diaz, sinupalpal ang ‘pag-uugali’ ng ina ni Jake Zyrus: ‘Ang problema, may sinasagasaan kang tao’
  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.