• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ulan ng ‘Gorio’, habagat posibleng hanggang weekend pa — PAGASA

Balita Online by Balita Online
July 27, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ, May ulat nina Rommel Tabbad, Mary Ann Santiago, at Liezle Basa Iñigo

Lumakas at ganap nang naging bagyo ang tropical cyclone ‘Gorio’, na bahagya ring bumagal, ngunit nagbuhos ng maraming ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas na posibleng tumagal hanggang sa weekend, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Tinaya ng PAGASA ang lokasyon ng Gorio sa 595 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora, bandang 10:00 ng umaga kahapon.

May lakas ito ng hanging aabot sa 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph, habang kumikilos pahilaga-hilagang kanluran palayo sa bansa sa bilis na 13 kph.

Sinabi ni Obet Badrina, weather forecaster ng PAGASA, na masyadong malayo sa lupa ang mata ng bagyo, ngunit nagdudulot ito ng pag-uulan sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Maliit lamang ang tsansang mag-landfall ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa. Wala pang storm warning signal na naitaas sa bansa habang sinusulat ang balitang ito.

Bagamat posibleng humina nang tuluyan ang Gorio, nagbabala si Badrina sa publiko na manatiling nakaalerto laban sa posibilidad ng baha at landslides.

Tuluy-tuloy na pinalalakas ng Gorio ang habagat, na nagdudulot ng minsan ay napakalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

“As Gorio continues to move north, it will also continue to pull the southwest monsoon (habagat) inland that will bring rains over a huge portion of Luzon until the weekend,” sabi ni Badrina.

Dahil sa malakas na ulan, umaga pa lamang ay nagsuspinde na ng klase sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), Maynila, Quezon City, Bataan, Cavite; sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal; sa Bani, Pangasinan; at sa Subic, Zambales.

Kasabay nito, nalusaw na ang isa pang sama ng panahon sa West Philippine Sea na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ngunit dahil tiniyak na ni Badrina na paiigtingin ng Gorio ang habagat, dapat aniyang asahan ang higit pang pag-uulan sa Luzon.

Kung mapananatili ang kasalukuyang direksiyon, tinatayang sa Linggo, Hulyo 30, pa lalabas ng PAR ang Gorio.

Tags: Mary Ann SantiagoObet Badrinaquezon cityRommel TabbadWest Philippine Seazambales
Previous Post

GILAS 12!

Next Post

Pinoy Skaters sa 2017 Asian Open tilt

Next Post
Pinoy Skaters sa 2017 Asian Open tilt

Pinoy Skaters sa 2017 Asian Open tilt

Broom Broom Balita

  • The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na
  • Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’
  • PBBM sa Pista ng Immaculada Concepcion: ‘Share our blessings to the poor’
  • Jiggy Manicad, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng TV5
  • Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?
The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na

The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na

December 8, 2023
Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

December 8, 2023
PBBM: 6.4% GDP growth, senyales ng unti-unting pagtigay ng ekonomiya ng PH

PBBM sa Pista ng Immaculada Concepcion: ‘Share our blessings to the poor’

December 8, 2023
Jiggy Manicad, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng TV5

Jiggy Manicad, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng TV5

December 8, 2023
Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

December 8, 2023
Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa ilang bahagi ng bansa

Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa ilang bahagi ng bansa

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

December 8, 2023
PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

December 7, 2023
Lamentillo, kinilalang ‘Notable Female Government Leader of the Year’

Sino nga ba si Anna Mae Yu Lamentillo?

December 7, 2023
Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

December 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.