• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Volleyball

Creamline, nakalusot sa paninilat ng UP

Balita Online by Balita Online
July 24, 2017
in Volleyball
0
Creamline's Alyssa Valdez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Creamline's Alyssa Valdez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni Marivic Awitan

NAKALUSOT ang Creamline sa dapat sana’y isang malaking upset sa kamay ng University of the Philippines upang manatiling nag -iisang koponang walang talo sa ginaganap na Premier Volleyball League Open Conference nitong Sabado sa a Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nakarecover ang Cool Smashers at naungusan ang Lady Maroons , 19-25, 18-25, 25-18, 25-17, 16-14 para sa ika-6 na sunod nilang panalo.

Dalawampu’t dalawang errors sa unang dalawang sets ang naging dahilan ng kabiguan ng Creamline sa unang dalawang frames.

Ayon kay assistant coach Oliver Almadro, malaking bahagi nito ang pagkakasakit ng ilan nilang mga players kung kaya hindi sila nakakapag-ensayo ng kumpleto.

“Hindi nga kami makumpleto sa practice kasi ilang players namin ang may sakit. But I just told them to believe. After that second set, kahit before the game pa lang, we coaches were telling our players that they have to keep believing in ourselves that we can win,” paliwanag ni Almadro.

Nakarecover naman sila sa third frame at nagdomina hanggang fourth upang maipuwersa ang decider.

Sa fifth set, nakauna pa ang Lady Maroons sa match point, 14-13 matapos ang dalawang sunod na errors ng Cool Smashers na sinundan ng isang smash ni Diana Carlos.

Ngunit, agad bumawi si Chesca Racracquin para itabla ang laban na sinundan ni Ging Balse -Pabayo ng isang hit para sa huling match point bago selyuhan ni Racracquin ang panalo ng isang off the block hit.

Tumapos na topscorer para sa Creamline si Pau Soriano na may 25 puntos kasunod si Racraquin na may 17.

Sa tulong ni setter Jia Morado na nagtala ng 66 excellent sets nagawang manalo ng Cool Smashers sa kabila ng ginawa nilang 40 errors.

Tumapos naman sina Carlos at Isa Molde na may 18 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod para sa UP na bumagsak sa markang 1-5.

Tags: Creamline saDiana CarlosJia MoradoOliver Almadro
Previous Post

200,000 taga-QC, walang birth certificate

Next Post

Ang pinakamagandang ulat na maririnig ng mamamayan sa SONA

Next Post
Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Ang pinakamagandang ulat na maririnig ng mamamayan sa SONA

Broom Broom Balita

  • Dahil sa bagyong Jenny: Signal No. 3, itinaas sa Itbayat, Batanes
  • Romualdez kay Hagedorn: ‘He wasn’t just a colleague, he was family’
  • Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow
  • ‘Jenny’ napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 2 pa rin
  • Hontiveros, naniniwalang makakamit na ang hustisya sa pagpaslang kay Percy Lapid
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Dahil sa bagyong Jenny: Signal No. 3, itinaas sa Itbayat, Batanes

October 4, 2023
Auto Draft

Romualdez kay Hagedorn: ‘He wasn’t just a colleague, he was family’

October 3, 2023
Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow

Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow

October 3, 2023
‘Jenny’ napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 2 pa rin

‘Jenny’ napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 2 pa rin

October 3, 2023
Hontiveros, naniniwalang makakamit na ang hustisya sa pagpaslang kay Percy Lapid

Hontiveros, naniniwalang makakamit na ang hustisya sa pagpaslang kay Percy Lapid

October 3, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

DOH, nakapagtala ng 1,231 bagong Covid-19 cases mula Set. 5 hanggang Okt. 1

October 3, 2023
Yasser Marta, tuloy ang pag-akyat sa Mount Everest

Yasser Marta, tuloy ang pag-akyat sa Mount Everest

October 3, 2023

E-lotto, planong ilunsad ng PCSO sa Nobyembre

October 3, 2023
Tatay ni Zeinab napagkakamalang sugar daddy niya

Tatay ni Zeinab napagkakamalang sugar daddy niya

October 3, 2023
Press freedom advocates, nanawagan ng hustisya para kay Percy Lapid

Press freedom advocates, nanawagan ng hustisya para kay Percy Lapid

October 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.