• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Mga biyuda nais makulong si ex-PNoy

Balita Online by Balita Online
July 19, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Bert de Guzman

NAIS ng mga biyuda ng SAF commandos na papanagutin at mabilanggo si ex-Pres. Noynoy Aquino (ex-PNoy) dahil sa brutal na pagkamatay ng kanilang mga ginoo na kabilang sa 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na parang nakaupong mga bibe (sitting ducks) na pinagbabaril ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at ng mga armadong grupo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Kabilang sa mga balo ng SAF commando na humihingi ng katarungan sa pamamagitan ng pag-uusig kay ex-PNoy ay sina Melanie Duque, ginang ni PO3 Andres Duque, Merlyn Gamutan, balo ni Senior Insp. Joey Gamutan, Kristine Clemencio, asawa ni PO1 Mark Lory Clemencio, Dr. Christine Cempron, balo ni PO1 Romeo Cempron. Hindi lang ang mga biyuda at mga kaanak ng magigiting na SAF 44 ang gusto na magkaroon ng “closure” ang Mamasapano tragedy na ikinamatay ng kabataang mga pulis kundi ang buong bayan.

Kung hustisya ang hangarin ng sambayanang Pilipino sa pagkamatay ng 44 SAF commandos na isinisisi kina ex-PNoy, ex-PNP chief Alan Purisima at ex-SAF Director Getulio Napeñas, inaasam at dinarasal din ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng sapat na kuryente sa bansa. Batid ng bawat Pinoy na ang Pilipinas ay nangangailangan ng mas maraming supply ng kuryente.

Sa totoo lang, noong 2016, ilang beses tayong nakaranas ng yellow alert, ibig sabihin ay hindi malaki ang reserba sa enerhiya. Kumpara sa Singapore na mas maliit sa ‘Pinas, ito ay may reserbang 50% ng available capacity kaya malusog ang kanilang ekonomiya. Wala nito sa ating bayan. Tanda pa ba ninyo na noong 1990s ay madalas mawalan ng kuryente dahil ‘di sapat ang supply? Malamang na maulit ito kung kulang tayo sa paghahanda. Dapat pagsikapan ng Duterte administration na magkaroon ng sapat na supply ng kuryente at sapat na reserba.

Nais ng pamahalaan na magkaroon ng additional energy capacity at surplus, pero may mga grupo na humaharang dito.

Mahigit sa 90 ang nakabimbing power supply agreements sa Energy Regulatory Commission (ERC) na isang taon nang hindi naaaksiyunan. Isinusulong ni Pangulong Duterte ang Build, Build, Build programs, ngunit wala namang inaatupag ang ilang militant at consumer groups kundi ang harangin ang mga proyektong pang-enerhiya.

Well, saan kukuha ng supply ang bansa kapag nagtagumpay ang grupo ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na mahinto ang pagtatayo ng mga power plant dahil ang karamihan daw ay coal plants. Alam ba ni Zarate at mga kasama na mismong ang mga residente na pagtatayuan ng mga planta ang humihiling na itayo ang mga ito. Halimbawa ay ang taga-Atimonan, Quezon na nagpunta pa sa ERC at nakiusap na ituloy ang proyekto?

Itanong nga natin kay Zarate ang ganito: “Kung ito’y makasasama, eh bakit mismong taga-Atimonan ang nais itayo ang mga planta sa kanilang lugar gayong ang humaharang ay hindi naman tagaroon?” Walang duda, malaki ang gampanin ng kuryente sa pag-unlad ng bansa. Lahat ay makikinabang kapag sapat ang kuryente, walang brownout, walang dilim, walang init, walang… perhuwisyo. Lahat ng kasangkapang de-kuryente ay gagana.

Dapat nang aksiyunan ang nakatenggang supply agreements sa ERC, huwag intindihin ang mga ingay at protesta ng mga grupo na wala namang ibinibigay na alternatibo. Ang tanging hangarin ay itigil ang pagtatayo ng mga planta ng kuryente sa dahilang hindi naman katanggap-tanggap. Sino sa tingin ninyo ang magdurusa kapag nagtagumpay ang mga kontrabidang grupo sa pagharang sa pagtatayo ng mga planta?

Alam ba ninyong nasa Region 1 o Ilocos Region ang may pinakamaraming tao na ang edad ay 100 o higit pa? May 584 na centenarian ang hanggang ngayon ay naninirahan pa sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon 1. Sinasabing ang sikreto raw ng mahabang buhay ay dahil sa pagkain ng saluyot at pagngata ng “nganga” (betel nuts). Ano pa ang ginagawa natin, bumili na tayo ng saluyot at iba pang gulay upang humaba ang buhay!

Tags: Alan PurisimaAndres Duquebayan munaBert de GuzmanCarlos ZarateChristine Cempronenergy regulatory commissionGetulio NapeasJoey GamutanKristine ClemencioMark Lory ClemencioMelanie DuqueMerlyn Gamutan
Previous Post

3 tumimbuwang sa buy-bust

Next Post

4 arestado sa boga

Next Post

4 arestado sa boga

Broom Broom Balita

  • MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan
  • BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand
  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
  • 8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City
  • Alden Richards, pangarap maging daddy
MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

May 31, 2023
Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak

BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand

May 31, 2023
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.