• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

BaliPure at Pocari, bumanat sa PVL

Balita Online by Balita Online
July 4, 2017
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAKABANGON ang BaliPure sa krusyal na fourth set para maipuwersa ang hangganan at makuha ang 25-15, 22-25, 20-25, 25-19, 15-6 panalo kontra Power Smashers sa pagsisimula ng kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Pinangunahan ni Grethcel Soltones ang ratsada sa final set sa naiskor na pitong sunod para maitakas ang BaliPure mula sa 6-8 paghahabol. Sa kabila ng panalo, sermon ang inabot ng koponan kay coach Roger Gorayeb.

“Parang masyado silang masaya, ok masaya, pero parang nawala na sila sa focus, tapos nag-iba na ‘yung timpla ng itsura nila noong naging dikitan na,” pahayag ng beteranong coach patungol sa second set kung saan abante ang BaliPure sa 13-10.

“Sabi ko hindi pwedeng ganoon, lumabas ang pagkabata ng karakter nila,” aniya.

Nakalusot din ang defending champion Pocari Sweat sa malamyang simula tungo sa 21-25, 25-20, 25-18, 15-21 panalo kontra University of the Philippines.

Hataw si Myla Pablo sa naiskor na 18 puntos, 13 dig at pitong excellent reception para sa Lady Warriors, habang kumana sina Elaine Kasilag at Cai Nepomuceno sa nakubrang tig-10 puntos.

Iginiit ni Rico de Guzman na malakas ang Lady Maroons at nadampian lamang sila ng suwerte para manaig.

“Nahirapan kami sa UP, unang-una ang opensa nila hindi pa namin ma-block, mabilis sila and ang service nila ubod ng karga so ang mga players ko hindi marecieve ng maayos (ang bola),” sambit ni de Guzman.

Tags: Elaine KasilagPremier Volleyball LeagueRoger Gorayebsan juanuniversity of the philippines
Previous Post

Foundations nina Shaina at Dingdong, nagsanib-puwersa

Next Post

2 opisyal ng BFP, kulong sa ghost projects

Next Post

2 opisyal ng BFP, kulong sa ghost projects

Broom Broom Balita

  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan
  • Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya
  • Abante, suportado pagpapauwi sa Chinese envoy
  • Pokwang ‘pinaiyak’ ni Uge
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

December 11, 2023
Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan

Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan

December 11, 2023
Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya

Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya

December 11, 2023
Abante, suportado pagpapauwi sa Chinese envoy

Abante, suportado pagpapauwi sa Chinese envoy

December 11, 2023
Pokwang ‘pinaiyak’ ni Uge

Pokwang ‘pinaiyak’ ni Uge

December 11, 2023
Crop top King: ‘Karug’ ni Kyle Echarri, pinagpiyestahan

Crop top King: ‘Karug’ ni Kyle Echarri, pinagpiyestahan

December 11, 2023
Xian Gaza, may pa-blind item sa dalawang bonjing na mama’s boy

Xian Gaza, may pa-blind item sa dalawang bonjing na mama’s boy

December 11, 2023
Direk Cathy, bukas sa ‘second chance’ ng KathNiel

Direk Cathy, bukas sa ‘second chance’ ng KathNiel

December 11, 2023
83 bahay, napinsala ng malakas na hangin sa North Cotabato

83 bahay, napinsala ng malakas na hangin sa North Cotabato

December 11, 2023
2 Koreano, patay dahil sa suffocation sa sauna

Electrician, patay sa gulpi ng tanod

December 11, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.