• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Kasal nina Vicki at Hayden, ‘di alam nina Quark at Cristalle

Balita Online by Balita Online
June 25, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Kasal nina Vicki at Hayden, ‘di alam nina Quark at Cristalle
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni: Reggee Bonoan

FOLLOW-UP ito sa sinulat naming civil wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nitong Biyernes ng tanghali officiated by Makati City Mayor Abby Binay.

Sinulat namin kahapon na wala sa event ang magkapatid na Quark Henares at Cristalle Henares-Pitt base na rin sa mga litratong ipinost ni Dra. Vicki sa Instagram.

Scarlet, Hayden at Dra. Vicki copy

Binanggit din namin ang reply sa amin ni Direk Quark nang i-text namin na nasa Amerika siya ilang minuto pagkatapos ng kasal ng mommy niya kay Hayden.

Heto na, nagulat kami kahapon ng madaling araw (2 AM) nang mabasa namin ang post ni Direk Quark sa Facebook account niya na, “Dear people with children: If you ever get married again be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night.”

Kaagad naming chinat si Direk Quark para humingi ng dispensa dahil kami ang tinutukoy niyang tumawag sa kanya bandang hatinggabi (sa U.S.; hapon dito sa ‘Pinas) at dahil sumagot siya ay inisip namin na okay lang sa kanya na makipag-usap.

Sinagot niya kami ng, “Uy, no problem at all ha, I’m actually thankful you told me.”

Sa madaling sabi, hindi nga talaga alam ni Direk Quark, pero aniya’y wala naman siyang tutol sa pagpapakasal ng ina kay Hayden dahil alam naman daw niyang ikakasal sila ngayong taon.

“It’s not like I’ll stop it or anything, alam ko namang magpapakasal sila,” sabi ni Direk Quark.

Maging ang kapatid niyang si Cristalle Henares-Pitt ay wala ring alam sa naganap na kasalan.

Anyway, kasalukuyang nasa San Francisco, USA si Direk Quark pero hindi na niya nabanggit kung ano ang lakad niya o kung may kinalaman ito sa trabaho niyang bilang head ng Globe Studios.

As of press time ay wala na sa FB page ni Direk Quark ang post niya tungkol sa ginanap na kasalan at tinanong namin kung tinanggal niya, “Yeah I did, he, he.”

Nagkausap na siguro ang mag-inang Quark at Dra. Vicki.

Tags: Abby Binaymakati citysan franciscounited statesVicki Belo
Previous Post

Militar may hiwalay na giyera sa social media

Next Post

Pagkamatay ng Malaysian, pagdating ng 89 na terorista kinukumpirma

Next Post

Pagkamatay ng Malaysian, pagdating ng 89 na terorista kinukumpirma

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.