• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Bakasyon grande ng ‘MTB’ cast

Balita Online by Balita Online
June 22, 2017
in Features, Showbiz atbp.
1
Bakasyon grande ng ‘MTB’ cast
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni NORA CALDERON

NAGSIMULA i-conceptualize ang Meant To Be noong June 2016, ayon sa program manager na si Hazel Abonita. Bago natapos ang 2016, nagsimula nang mag-taping sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz under Direk LA Madridejos. Ang pilot airing nito ay January 9, 2017 at bukas (Friday, June 23) na ang final episode nila sa hashtag na #MeantToBeTheKiligEnding.

Barbie at 'MTB' Boys copy

Nahihirapan ang production staff kung sino kina Yuan (Ken), Andoy (Jak), Ethan (Ivan) at Jai (Addy) ang maging ka-meant to be ni Billie (Barbie). May kani-kanilang group of fans kasi na siyempre ang gustong makatuluyan ni Billie ay ang kanilang manok. Kaya naisip nilang pabotohin ang fans, at sa tulong ang writers ng rom-com, pipiliin ang makaka-meant to be ni Billy.

May balitang magla-live sila sa grand finale, pero wala pang advice ang production kung tuloy.

This week, looking forward na ang buong cast sa isang grand vacation pagkatapos ng serye nila bukas. Isa-isa namin silang tinanong kung saan-saan sila magbabakasyon.

Barbie: “Magbabakasyon po ako sa ate ko na nasa Chicago. Mag-isa lang akong magta-travel na first time kong gagawin, pero gagawin ko po ito pagkatapos na ng 20th birthday ko sa July 31. Dito muna ako magpapahinga, wala rin naman akong offer na indie films ngayon, saka na ako bibiyahe.”

Ken: “Bibiyahe po ako sa iba-ibang lugar sa USA. Mahilig akong mag-travel mag-isa para mas marami akong mapuntahan.

Pero baka hindi rin ako magtagal dahil mayroon yata akong bagong project na gagawin, pero wala pa pong malinaw ngayon kung kailan magsisimula kaya sasamantalahin ko munang magbakasyon.”

Ivan: “Uuwi po ako sa amin sa Los Angeles, California. Nami-miss ko na ang family ko kasi matagal na akong hindi umuuwi sa amin. Siguro one month akong magbabakasyon at babalik din agad kung may tawag from the GMA Artist Center for another project.”

Jak: “Magta-travel din ako, o baka kasama ko ang sister ko, si Sanya. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta, pero gusto ko ring magbakasyon after ng trabaho ko sa Meant To Be na umalis muna ako sa Dear Uge at sa Sunday Pinasaya.

Hindi siguro ako lalayo dahil baka mag-report na rin ako agad sa dalawang shows.”

Hindi na namin nakausap si Addy na nang hanapin namin pagkatapos ng thanksgiving presscon, nakaalis na.

Direk LA: “Binigyan lang po ako ng GMA ng one week to rest after ng airing ng Meant To Be dahil kailangan ko nang simulan ang taping ng The Good Teacher ni Marian Rivera-Dantes, na naurong nang mag-extend pa kami ng ilang weeks dito.”

Huwag kalimutang subaybayan ang pagwawakas ng rom-com at alamin kung sino ang magiging ka-meant to be ni Billie sa apat niyang leading men.

Tags: Barbie FortezaEva EugenioGMA Artist CenterGood TeacherHazel AbonitaIvan DorschnerKen ChanLos AngelesMarian Rivera-Dantesunited states
Previous Post

Federer, nakahirit sa Weber Open

Next Post

Biyahe sa Pasig River nasuspinde

Next Post

Biyahe sa Pasig River nasuspinde

Broom Broom Balita

  • Lovi Poe, feeling patay sa birthday tarpaulin
  • Vintage-themed photos ni Liza Soberano, pinagpiyestahan
  • ‘Unbothered?’ James at Issa, naglambingan sa sofa
  • Vanessa at Janice, nakaladkad dahil sa tanong ng misis ni John Estrada
  • ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.