FOLLOW-UP ito tungkol sa blind item namin kahapon na may titulong ‘Magandang young star, pangbruha ang asal’ na ang dami kaagad nakahula na ikinagulat namin dahil wala naman kaming ibinigay na clue.
Bukod sa PM, nakatanggap kami ng limang tawag mula sa fans at sila mismo ay nagkuwento ng mga experience nila sa young star na bida sa blind item.
“Ate, super user ‘yan si _____ (youngstar), para mapansin siya, mahilig siyang magdidikit kina _____ at ______ (sumisikat na millennial love team) para mapasama sa project,” kuwento ng fan #1.
Mula naman kay fan #2, “Ate, nakita ko po ‘yung nangyari sa gate ng ABS nu’ng Martes kasi nandoon kami sa gazebo.
Maldita po talaga ‘yang si _____ (young star), mabait lang kapag may TV camera na nakaharap at ‘pag may reporters na kaharap. Hindi ka niya ate kilala kasi bago lang siya, ha-ha-ha.”
Sabi namin, mas gusto naming hindi kami kilala para nakikita namin ang tunay na ugali ng mga artista kapag wala sa harap ng camera o presscon.
Kaya ang malas naman ng young star na may magandang mukha dahil kami pa ang natiyempuhang nakakita ng ugali niya.
Galing naman sa fan #3, “Malaki inggit ni _____ (young star) kay _____ (isa pang younstar) na gusto ng lahat kasi smiling face at mabait na bata at saka maraming may crush din nu’ng magkakasama sila sa show. Wala nga nakasundo ’yang si ____ (young star) sa mga kasama niya, kasi inggitera.”
“Kapag iniinterbyu, pa-cute at paawa effect pero iba po ugali n’yan, nakakadaya,” say naman ni fan #4.
In fairness, ipinagtanggol ng fan #5 ang young star na bida ng blind item namin.
“Patawarin mo na siya ate kasi nu’ng time na nakipag-unahan siya nagmamadali sila saka may mga nagpapa-picture kasi sa kanya nu’ng pagbaba nila ng sasakyan, eh, nagulat siya ‘tapos may mga namamalimos pa, so pumasok kaagad sa loob si ____ (young star).”
Parang mas lalong mali naman na iniwasan ng young star ang mga gustong magpa-picture sa kanya. Hindi pa man siya sikat, may ganu’n na pala siyang ugali?
At kung may mga namamalimos man sa kanya, e, puwede naman niyang sabihing ‘sa susunod o patawad’ kaysa ‘yung bigla na lang siyang nagmamadaling pumasok sa loob ng gate at hindi nagpasintabi sa nauna sa kanya sa pila. Hindi ba kawalan ng respeto iyon?
Anyway, balita namin ay kasama siya sa isang comedy film at may partisipasyon sa isang TV series na ipinalabas kamakailan. (Reggee Bonoan)