OPISYAL nang box office hero ang Wonder Woman.
Nalagpasan ng pelikula ng Warner Bros. at DC Comics ang high expectations at tumabo nang husto sa takilya. Batay sa huling tala nitong Lunes, ang superhero film ay kumita ng $103 milyon sa domestic opening weekend mula sa 4,165 sinehan. Kapag isinama rito ang kita sa international na $122.5 milyon mula sa 55 bansa, ang global opening ng pelikula ay aabot sa $223 milyon. Ang $18.3 milyon ng global total ay nagmula sa Imax screens – ito ang ikatlong pinakamalaking opening para sa DC Comics film kasunod ng The Dark Knight Rises at nasa unahan ng Suicide Squad.
“Globally this property has just resonated with fans,” sabi ni Warner Bros. distribution chief na si Jeff Goldstein.
“There’s something iconic about Diana and the story of Wonder Woman that’s hitting the zeitgeist perfectly.”
Kumpara sa iba pang superhero movies, inasahan ng Wonder Woman ang mas malaking domestic opening kaysa Iron Man ($98.6M); Doctor Strange ($85M); Thor ($65.7M); ngunit mas mababa kaysa Deadpool ($132M) at Man of Steel ($116.6M).
Hawak na ngayon ni Patty Jenkins ang banner para sa best domestic opening ng isang female director, tinalo ang Fifty Shades of Grey ni Sam Taylor-Johnson ($85.1M). Bago ang Wonder Woman, ang natatanging pelikula ni Jenkins ay ang Monster — ang Academy Award winner na ginawa niya mahigit isang dekada na ang nakalilipas sa $8M budget.
Si Gal Gadot ang bida ng pelikula. Ang Israeli actress – kilala rin sa kanyang papel sa Fast and Furious franchise – ay unang ipinakilala bilang si Diana Prince sa Batman v Superman: Dawn of Justice, at muling gagampanan ang papel sa Justice League movies.
At hindi lamang karaniwang fans ang pumila para mapanood ang Wonder Woman.
Kabilang sina Jessica Chastain at Dwayne Johnson sa Hollywood A-listers na hindi mapigilang purihin ang pelikula na bumasag ng U.S. box office records.
Ang tweet ni Jessica: “Ok ladies, now let’s get information #WONDERWOMEN @GalGadot @PattyJenks.” Sinabi naman ni Lupita Nyong’o na: “The GODS have seen fit to BLESS us with @WonderWomanFilm. @GalGadot will glue you to the screen and dir. @PattyJenks is NOT PLAYING AROUND.”
Ayon naman kay Elizabeth Banks, “I believe in LOVE & #WONDERWOMAN @PattyJenks killed it”, na dinugtungan ng director na si Ava DuVernay, “Director @PattyJenks is breaking the box office and making her story! WONDER WOMAN in theaters now! A triumph! Brava!”
Bagamat iniulat ng Hollywood industry insiders na sa unang araw ng pelikula, ang U.S. audience ay 54% female, nasa fan mode din ang kalalakihan. Saad ni Dwayne Johnson: “Great win for the biz. Fans loving the movie. So happy for my homegirl Gal! Awesome human.” Dugtong naman ng director na si Joss Whedon, “It’s a goddd**n (sic) delight.”
(Variety/Cover Media)