• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Pamilyar na mukha, una sa French Open

Balita Online by Balita Online
June 6, 2017
in Features, Sports
0
Pamilyar na mukha, una sa French Open
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

France Tennis French Open

PARIS (AP) — Bagong mukha ang tiyak na kokoronahan sa women’s draw, ngunit sa men’s title ang mga pamilyar at batikan na Grand Slam champion — Andy Murray, Novak Djokovic, Stan Wawrinka at Rafael Nadal – ang kabilang sa quarterfinalist ng French Open.

Kapwa naitala nina No. 1 seeded Murray, three-time major champion at runner-up sa Roland Garros sa nakalipas na taon, gayundin si No. 3 Wawrinka, ang 2015 French Open titlist, ang magaan ang straight set win nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa kabila ng katotohanan na tatlo sa walong quarterfinalist sa women’s side ay top seeded player — No. 2 Karolina Pliskova, No. 3 Simona Halep at No. 5 Elina Svitolina — wala sa kanila ang naging kampeon sa Grand Slam event.

Ginapi ni Pliskova si Veronica Cepede Royg, 2-6, 6-3, 6-4; habang pinatalsik ni Halep si No. 21 Carla Suarez Navarro 6-1, 6-1; nagwagi si Svitolina kay Petra Martic 4-6, 6-3, 7-5; habang naungusan ni No. 28 Caroline Garcia ang kapwa Frenchwoman na si Alize Cornet 6-2, 6-4.

“Everyone knows who remains in the draw,” sambit ni Svitolina. “It’s a big opportunity.”

Higit na mas malalalim ang karanasan sa men’s side sa pangunguna nina Murray at Wawrinka, gayundin nina No. 2 ar defending champion Djokovic, at No. 4 Nadal sa ilalim ng draw. Target ni Nadal ang ika-10 titulo sa Paris.

“Looks like one of the top four guysis going to end up grasping the champion’s Coupe des Mousquetaires,” pahayag ni seven-time major titlist John McEnroe.

Magaan na pinataob ni Murray ang 21-year-old na si Karen Khachanov 6-3, 6-4, 6-4, habang nanaig si Wawrinka sa nalalabing Frenchman sa draw na si No. 15 Gael Monfils, 7-5, 7-6 (7), 6-2.

Sunod na makakaharap ni Murray si No. 8 Kei Nishikori, nagwagi kay Fernando Verdasco 0-6, 6-4, 6-4, 6-0, habang mapapalaban si Wawrinka kay No. 7 Marin Cilic, namayani kay Kevin Anderson (Withdraw, 6-3, 3-0).

“It’s a huge bonus for me, looking to the rest of the tournament. Knowing that, mentally and physically, I haven’t spent any energy at all,” ayon kay Celic.

Mapapalaban si Svitolina kay Halep, ginapi si No. 21 Carla Suarez Navarro 6-1, 6-1, habang haharapin ni Pliskova si No. 28 Frenchwoman Caroline Garcia, nanaig sa kababayan niyang si Alize Cornet, 6-2, 6-4.

Tags: Alize Cornetandy murrayCarla Suarez NavarroCaroline GarciaFernando VerdascoFrench OpenJohn McEnroeKaren KhachanovKevin AndersonPetra Marticrafael nadalroland garrosStan WawrinkaVeronica Cepede Royg
Previous Post

Stars nakipila sa ‘Wonder Woman,’ ang bagong reyna ng box office

Next Post

Epileptic lumutang sa ilog

Next Post

Epileptic lumutang sa ilog

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.