• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Dakilang mensahero

Balita Online by Balita Online
June 6, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MALIIT lamang at halos hinahamak ang posisyon ni Rene Ordoñez sa pinaglilingkuran naming kompanya—ang dating Liwayway Publishing Incorporated (LPI), kapatid na kompanya ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Isa lamang siyang mensahero o messenger subalit ang ginampanan niyang tungkulin sa naturang kompanya ay hindi matatawaran; ang nasabing misyon ay ginampanan niya nang buong katapatan hanggang sa siya ay sumakabilang-buhay kamakailan dahil sa massive heart attack.

Hindi maililihim ang kanyang mga opisyal at personal na paglilingkod sa kompanya—sa mga opisyal at kawani nito. Siya ang naghahatid ng makabuluhang mga dokumento kaugnay ng mga lehitimong transaksiyon ng LPI at ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, tulad ng Department of Education (DepEd), dating Department of Education Culture and Sports (DECS).

Ang nabanggit na mga transaksiyon ay kinapapalooban ng pagtangkilik at pagbili ng mga magasin at iba pang babasahin na inilalathala ng LPI, ang naturang mga publikasyon ang naging kaagapay ng DepEd sa pagbibigay ng makatuturang impormasyon sa mga mag-aaral, lalo na ang mga aralin hinggil sa iba’t ibang larangan ng edukasyon. Si Rene ang naghahatid ng kailangang mga dokumento tungkol sa gayong transaksiyon na nagpapaunlad sa LPI at para rin sa kapakinabangan ng mga empleyado.

Pati ang paghahatid ng mahahalagang dokumento sa mga husgado tungkol sa mga asuntong libelo na kinakaharap ng aming mga editor at reporter ay bahagi rin ng misyon ni Rene. May pagkakataon na siya ang inaatasan ng aming company lawyer na humingi ng pagpapaliban o postponement ng paglilitis. Katunayan, may pagkakataon din na siya ang pinagkatiwalaan ng kompanya na magbayad ng piyansa para sa aming pansamantalang paglaya kaugnay ng libel case na… isinampa laban sa akin bilang editor ng pahayagang ito.

Bagamat hindi na marapat na idetalye, marami ring pagkakataon na siya ay gumanap ng mga personal na serbisyo para sa ilang opisyal at kawani—mga tungkulin na labas na sa kanyang gawain bilang company messenger; mga misyon ito na natitiyak kong ipinagpasalamat naman ng mga kinauukulan.

Isa ring malaking kawalan ng utang na loob kung hindi ko tatanawin ang mga serbisyo ni Rene nang ako ay kumandidato bilang presidente ng National Press Club. Hindi rin isang kalabisang banggitin na tatlong beses akong sinamahan at binantayan niya sa iba’t ibang ospital dahil sa iba’t ibang karamdaman.

Isang madamdaming pakikidalamhati sa iyong mga naulilang mahal sa buhay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Rene.
(Celo Lagmay)

Tags: department of educationDepartment of Education Culture and SportsManila Bulletin Publishing CorporationNational Press ClubRene Ordoez
Previous Post

Mister sinaksak ni misis dahil sa pera

Next Post

Traffic cop arestado sa pangongotong

Next Post

Traffic cop arestado sa pangongotong

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.