• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Boy Rape

Balita Online by Balita Online
June 1, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SI ex-Pres. Noynoy Aquino ay binansagang Boy Sisi (o Boy Panot) dahil mahilig sisihin si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo . Si ex-Pres. Arroyo naman ay tinawag na Taray Queen dahil mabilis magalit at magtaray noong siya ang presidente sa loob ng 9 na taon. Si ex-Pres. Fidel V. Ramos ay Mr. Tabako dahil laging nakasupalpal ang walang sinding tabako. Si Tita Cory ay tinawag na Queen of Darkness dahil sa araw-araw na brownout noon. Si ex-Pres. Estrada ay Weder-Weder lang. Ngayon ay meron daw Boy Rape ayon sa mga mapagbirong kababayan at netizen dahil sa hilig magbiro sa rape.

Bukambibig ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang pagmumura. Palihim siyang tinawag noon na Boy Mura. Pero may nag-text sa akin na dapat daw ay palitan na ito bunsod ng pagbibiro niya tungkol sa rape. Isang rape joke ang ginawa niya sa Iligan City sa harap ng mga sundalo na binisita niya dahil sa Marawi City siege ng teroristang Maute Group.

Sinagot ko siya na walang malisyang pagbibiro lang iyon. Ang rape joke ay para pagaanin ang kalooban ng mga kawal sa gitna ng tensiyon sa pakikipaglaban sa mga terorista. Nais ni PRRD na ikintal sa isipan ng mga sundalo at pulis na pananagutan niya ang lahat ng gawain nila, pati na ang rape (na isang biro lang), at kung kinakailangan ay sasamahan sila sa giyera kaya lang ay matanda na siya (72 anyos). 

Sabi nga ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa mga kritiko ni Mano Digong: “Masanay na kayo sa mga biro niya.” 

Sabi naman ng kalabaw caricature sa isang English broadsheet: “Joke, joke, joke!”. Si Duterte na lumampaso kina Mar Roxas, Grace Poe, Miriam Defensor-Santiago (RIP) sa pamamagitan ng kanyang 16.6 milyong boto, ay nagbibiro lang at walang malisya.

Gayunman, may mga sektor o indibiduwal na hindi nagustuhan ang kanyang rape joke, tulad ni Chelsea Clinton, anak nina ex-US Pres. Bill Clinton at Hillary. Sa inis ni Chelsea, tinawag si Pres. Rody bilang “murderous thug”. Sa ‘Pinas, umani ng batikos ang rape joke ng Pangulo mula sa mga kasapi ng GABRIELA, Commision on Human Rights, Etta Rosales.

Grace Poe, atbp. Naniniwala silang hindi maganda at kanais-nais sa isang lider ng bansa na magbiro tungkol sa isyu ng panggagahasa, na ang laging biktima ay kababaihan, lalo na ang nasa kanayunan na walang kalaban-laban, sa mga sundalo, pulis at manyakis.

Siyanga pala, una sinabi ni Mano Digong na hindi niya pakikinggan ang Supreme Court at ang Kongreso tungkol sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao. Katwiran niya, wala naman ang mga mahistrado at mambabatas sa lugar ng labanan, nasusugatan, nauubusan ng dugo at namamatay. Ang pakikinggan lang niya ay ang AFP at PNP.

Nang maliwanagan at marahil ay pinayuhan ng kanyang mga adviser at kaalyado na karapatan ito ng SC at Kongreso, kumambiyo ang Pangulo at sinabing kikilalanin niya ang SC tungkol sa isyu ng martial law. Sa banner story ng isang broadsheet, ganito ang nakalagay: “Rody won’t defy SC– Palace.” (Bert de Guzman)

Tags: Bert de Guzmanbill clintonEtta Rosalesfidel v ramosgloria macapagal arroyoGrace Poeiligan cityMarawi CityMaute Groupmiriam defensor santiagoRodrigo Roa DuterteSouth Carolinasupreme courtVitaliano Aguirre II
Previous Post

‘Adik na holdaper’ niratrat

Next Post

Sputnik member kulong sa baril, ‘shabu’

Next Post

Sputnik member kulong sa baril, 'shabu'

Broom Broom Balita

  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.