• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Alisto,’ 4th anniversary special ngayong gabi

Balita Online by Balita Online
May 30, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Alisto,’ 4th anniversary special ngayong gabi
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ARNOLD_pls crop copy

NGAYONG Martes, sa pagdiriwang ng ikaapat na anniversary ng Alisto kasama si Arnold Clavio, sisiyasatin ng programa ang mga aksidenteng madalas mangyari sa ilang lugar at bilang bahagi ng Serbisyong Totoo ay bibigyan nito ng solusyon ang mga problema para iwas-peligro.

Sa intersection ng 10th Avenue corner 8th Street sa Caloocan City, madalas ang aksidente ayon sa kapitan ng barangay.

Kabilang na sa mga ito ang salpukan ng SUV at taxi, banggaan ng motorsiklo at jeep, at mga sumemplang na motorsiklo.

Ganito rin ang problema sa Barangay Moonwalk, sa intersection ng E. Rodriguez corner Armstrong Avenue sa Parañaque City. Ang mga aksidente, pauli-ulit.

Sa pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH), natuklasan na kakulangan ng sapat na road signs ang isa sa mga dahilan ng mga askidente.

Kaya kasama ang lokal na pamahalaan at DPWH, isinagawa ng Alisto ang “Project Road Safety” sa ilang accident-prone area sa Metro Manila. Ang misyon, maglagay ng traffic at road signs sa naturang intersections para maiwasan na ang aksidente.

Samantala, simula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan, nakapagtala ang Quezon City Police District ng 10 crime-prone barangays. Nanguna rito ang Brgy. Socorro na nagtala ng mahigit 18 krimen, kabilang na ang pandurukot, shoplifting, at snatching. Mayroong 57 CCTV pero sira ang ilan sa mga ito.

Sa Barangay 696, Malate, Maynila naman, nag-viral ang pag-atake ng mga riding-in-tandem na nakuhanan ng CCTV camera.

Ayon sa awtoridad, ang ebidensiya na nairekord ng CCTV camera ang naging tulay para mahuli ang mga suspek. Sa ngayon, may 16 na CCTV camera ang Barangay 696 pero hindi na gumagana ang ilan sa mga ito.

Ang mga kulang at sirang CCTV camera ng mga barangay, inaksiyunan ng Alisto sa “Project CCTV”.

Huwag palampasin ang 4th anniversary special ng Alisto kasama si Arnold Clavio ngayong Martes, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Previous Post

Color Manila run, makulay sa kahit sa ulan

Next Post

Ikalimang yugto ng peace talks, ituloy — KMU

Next Post

Ikalimang yugto ng peace talks, ituloy — KMU

Broom Broom Balita

  • Zero visibility na! 5 pang lugar sa Batangas, apektado ng smog
  • Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal
  • Malacañang, sinuspinde gov’t work sa Sept. 25 ng hapon para sa Family Week
  • ALAMIN: Health tips para maprotektahan ang sarili laban sa volcanic smog
  • Marcos, namahagi ng kumpiskadong smuggled rice sa Cavite
Zero visibility na! 5 pang lugar sa Batangas, apektado ng smog

Zero visibility na! 5 pang lugar sa Batangas, apektado ng smog

September 22, 2023
Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal

Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal

September 22, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, sinuspinde gov’t work sa Sept. 25 ng hapon para sa Family Week

September 22, 2023
ALAMIN: Health tips para maprotektahan ang sarili laban sa volcanic smog

ALAMIN: Health tips para maprotektahan ang sarili laban sa volcanic smog

September 22, 2023
Marcos, namahagi ng kumpiskadong smuggled rice sa Cavite

Marcos, namahagi ng kumpiskadong smuggled rice sa Cavite

September 22, 2023
ITCZ, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa South Luzon, Visayas, Mindanao

ITCZ, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa South Luzon, Visayas, Mindanao

September 22, 2023
Klase sa Rizal nitong Miyerkules, sinuspinde ng DepEd dahil sa bagyong Amang

#WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido ngayong Setyembre 22

September 22, 2023
Marcos, umaasang matupad ipinangakong ₱20/kilong bigas

Dagdag-hakbang vs rice price hike, irerekomenda ng NEDA

September 22, 2023
27 volcanic quakes, naitala sa Taal — Phivolcs

Babala ng Phivolcs: Bulkang Taal, nagbubuga pa rin ng vog

September 21, 2023
Magsasaka, patay sa pamamaril sa Nueva Ecija

‘Mistaken identity?’ 14-anyos na lalaki, patay nang pagbabarilin

September 21, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.