• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Star Magic, niyanig ang Big Dome

Balita Online by Balita Online
May 25, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Star Magic, niyanig ang Big Dome
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

JOHN LLOYD JODI JERICHO ANGELICA PIOLO AT BEA copy copy

DUMAGUNDONG ang mga hiyawan at palakpakak ng umaabot sa 10,000 live audience ang Smart Araneta Coliseum nang ipagdiwang ang silver anniversary ng Star Magic nitong nakaraang Linggo.

Pinangunahan ng naglalakihang stars na sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jericho Rosales, Jodi Sta. Maria at John Lloyd Cruz ang pinakamalaking selebrasyon ng ABS-CBN talent development and management agency.

Hitik sa mga pasabog na production numbers, acrobatic stunts, at trending performances ng talented singers, dancers at comedians ang programa na live napanood sa ASAP ang unang bahagi nitong Linggo.

Nayanig ang Big Dome sa walang humpay na sigawan ng supporters ng mga sikat na love teams ng Star Magic na kinabibilangan ng Kimerald, LizQuen, KathNiel, JoshLia, ElNella, BaiLona, LoiNigo, McLisse, NLex, MayWard, at KissMarc.

Hinarana ang audience ng Star Magic leading men na sina Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Ejay Falcon, Jason Abalos, Carlo Aquino, Enchong Dee, JC de Vera, Jake Cuenca, ZanjoeMarudo, Paulo Avelino, Gerald Anderson at Sam Milby, kasama ang mga susunod na henerasyon ng leading men na sina Mccoy de Leon, Marco Galo at Joshua Garcia.

Nagpasiklaban naman sa dance floor ang sought-after female at boy groups na IT Girls, ASAP IG, Gimme 5, ASAP BFF5, Coverboys, kasama ang Hashtags, GirlTrends at Star Magic Kids. Hindi rin nagpatalo ang mga belter na Star Magic teens na sina Lyca Gairanod, JK Labajo, Sam Shoaf, Elha Nympha at Darren Espantosa sa LSS segment ni JolinaMagdangal.

Hagalpakan sa kakatawa ang audience sa short comedy skit na pinangunahan nina Pokwang, Sweet, Chokoleit, Jayson Gainza, Eric Nicolas, AloraSasam, KirayCelis, Kitkat, Igi Boy Flores, Janus del Prado, Empoy, Ketchup Eusebio, Janus del Prado at Angelica Panganiban.

Napanood naman sa isang seksi at sizzling dance number sina Maja Salvador, Jake Cuenca, JessyMendiola,Vin Abrenica, Arci Muñoz, Joseph Marco, Ritz Azul, Daniel Matsunaga at Jake Cuenca kasama ang ASAP New Generation’s Coverboys.

Mala-Pitch Perfect song number naman ang ipinamalas ng seasoned singers na sina Liezel Garcia, Bugoy Drilon, Sue Ramirez, Kristel Fulgar, CJ Navato, Marlo Mortel, Markki Stroem, Tippy dos Santos, Sam Concepcion, Yohan Wang, Renee Pionso, at Marion Aunor. Hindi rin nagpaawat sa kanilang Broadway medley sina Nyoy Volante, Richard Poon, Erik Santos, Angeline Quinto , Jed Madela at Vina Morales.

Opisyal ring ini-launch nang araw na iyon ang all-star anniversary music video ng anniversary theme song ng Star Magic na Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko, na kinanta nina Yeng Constantino, Young JV, KZ, Klarisse de Guzman, Jona, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren Espanto, Jed Madela at PioloPascual, kasama ang love teams na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko ay komposisyon ni Young JV at lyrics ni J.Lukban.

Big achievement rin ng Star Magic ang kauna-unahang Star Magic Hub (http://starmagic.abs-cbn.com/) , ang bagong go-to portal na puwedeng puntahan ng supporters para sa latest updates tungkol sa kanilang Star Magic idols. Ang website ay magsisilbi ring venue para makapag-audition ang sinumang nangangarap na maging artista ng Star Magic.

Marami pang pasabog at reunion of stars sa part two episode ng Star Magic’s silver anniversary celebration sa ASAP ngayong Linggo, May 28.

Dalawin ang official Star Magic Facebook page www.facebook.com/starmagicphils and follow @starmagicphils sa Twitter at Instagram para sa live updates tungkol sa iba pang Star Magic 25 events.

Tags: angeline quintoDaniel Matsunagaenchong deejohn lloyd cruzKristel FulgarLiza Soberanomaja salvadorMarlo Mortelmatteo guidicellipiolo pascualRenee PionsoRichard PoonSam ConcepcionSam Shoafyeng constantino
Previous Post

Heart at Dennis, malakas ang kilig

Next Post

Metro Manila safe, naka-full alert

Next Post

Metro Manila safe, naka-full alert

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.