• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte, tatanggap ng honorary degree sa Moscow university

Balita Online by Balita Online
May 23, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MOSCOW – Red-carpet treatment ang isasalubong kay Pangulong Rodrigo Duterte ng matataas na opisyal ng Russian Federation dakong 10:30 pm ngayong araw (3:30 am, Mayo 23, oras sa Pilipinas) sa Vnukovo-2 Airport para sa pagsisimula ng kanyang apat na araw na official visit dito. Kasama sa delegasyon ng Pangulo ang mga lider ng negosyanteng Pinoy at ilang congressman.

Nakatakdang makikipagpulong si Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev, na kapwa siya inimbitahang bumisita sa Moscow noong nakaraang taon.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa mga pag-uusapan ang paglalagda sa mga bilateral agreement sa defense cooperation, military at technical cooperation, mutual legal assistance on criminal matters, mapayapang paggamit ng nuclear energy, kultura, kalakalan at pamumuhunan.

Magaganap ang pagpupulong kina Putin at Medvedev sa Mayo 25 at 26.

Habang nasa Moscow, magtatalumpati si Duterte sa MGIMO University o Moscow State Institute of International Relations na maggagawad sa kanya ng honorary doctorate bukas (Miyerkules).

Ang honorary doctorate degree ng MGIMO University ang unang honorary degrees na tatanggapin ni Pangulong Duterte bilang chief executive matapos tanggihan ang alok ng University of the Philippines (UP).

Bago ang MGIMO event, dadalo si Duterte sa mga aktibidad sa House of the Government of the Russian Federation at pamumunuan ang wreath-laying ceremony sa Tombo of the Unknown Soldier at Aleksandrovsky ‘Sad.

Magtatapos ang abalang Miyerkules ni Duterte sa pulong kasama ang Philippine–Russian Federation CEO Roundtable sa Four Seasons Hotel.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang Filipino community sa Russia na makadiyalogo ang bumibistang Pangulo sa Huwebes.

Kasama rin sa working visit ni Duterte ang pakikipagpulong sa PH-Russia Business Forum, at one-on-one interview sa Russian television sa Huwebes.

Hindi pa inilalabas ang schedule para sa nakaplanong pagbisita ng Pangulo sa St. Petersburg.

Nauna rito, nagpahayag ang mga opisyal ng pag-asa na lalong pagtitibayin ng pagbisita ni Duterte ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Russia.

“It will be the first visit of the President to Russia and we believe it will mark a new chapter in Philippines-Russia relations,” sabi ni DFA Asst. Secretary Maria Cleofe Natividad.

Hindi lamang si Duterte ang Pangulo ng Pilipinas na bumisita sa Russia. Magugunita na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo ay dumalo sa mga pandaigdigang pagpupulong na ginanap sa Russia.
(BEN R. ROSARIO at BETH CAMIA)

Tags: Ben R. Rosariodepartment of foreign affairsDmitry Medvedevfidel v ramosFour Seasons HotelMaria Cleofe NatividadPrime Ministerrodrigo duterteuniversity of the philippinesVladimir Putin
Previous Post

‘Bangungot ni JunMa, ibabalik ni Horn’ – Rushton

Next Post

Video ng distracted drivers, ipadala sa MMDA

Next Post

Video ng distracted drivers, ipadala sa MMDA

Broom Broom Balita

  • Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika
  • Pangangalakal ni Jimmy Santos sa ibang bansa, hinangaan ng netizens!
  • Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category
  • VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP
  • Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas
Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika

Sheryl Cruz, nagtriple celebration sa anak na naka-Summa Cum Laude sa Amerika

May 28, 2023

Pangangalakal ni Jimmy Santos sa ibang bansa, hinangaan ng netizens!

May 28, 2023
Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

May 28, 2023
VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

May 27, 2023
Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas

Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas

May 27, 2023
Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyon ng Turkey, Syria dahil sa lindol

Pope Francis, bumalik na sa trabaho matapos gumaling sa lagnat

May 27, 2023
Auto Draft

Heat index sa Juban, Sorsogon, pumalo sa 50°C

May 27, 2023
Mga overseas jobseeker, binalaan ng BI vs paggamit ng pekeng dokumento

Mga overseas jobseeker, binalaan ng BI vs paggamit ng pekeng dokumento

May 27, 2023
Julius Babao nanariwa, nalungkot sa napipintong paghinto sa ere ng TeleRadyo

Julius Babao nanariwa, nalungkot sa napipintong paghinto sa ere ng TeleRadyo

May 27, 2023
Pre-loved ‘One Piece’ collectibles, ibinebenta ng tatay para sa operasyon ng anak

Pre-loved ‘One Piece’ collectibles, ibinebenta ng tatay para sa operasyon ng anak

May 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.