• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Mga dukha ang ginigiling sa sistema ng hustisya

Balita Online by Balita Online
May 12, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

INABSUWELTO kamakailan ng Court of Appeals (CA) ang umano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles sa salang illegal detention. Hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 50, batay sa reklamo ng kanyang pinsang sa Benhur Luy.

Sa pagbaligtad sa desisyon ng RTC, sinabi ng CA na hindi napatunayan ng prosekusyon na walang kaduda-dudang nagkasala si Napoles. Paanong hindi siya maaabsuwelto, eh kakampi niya ang gobyerno. Ang Solicitor General na si Jose Calida, na abogado ng gobyerno, ang siyang mistulang abogado niya sa CA. Naghain ito ng manifestation kung saan hiniling niya sa CA na iabsuwelto si Napoles. At ang manifestation na ito ang ginamit ng CA.

“Nangibabaw ang katarungan sa CA,” wika ni Calida. May sektor, aniya, na ikinokonsidera ang kasong ito bilang napakalaking bagay dahil ang akusado ay si Napoles. Pero, bilang abogado daw ng gobyerno, naniniwala siya na simpleng kasong kriminal ito na hindi sinusuportahan ng ebidensiya ang conviction ng akusado.

“Walang pagbabago ang polisiya ng gobyerno tungkol kay Napoles,” sabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella. Wala umanong kasunduan sa pagitan ng Pangulo at ni Napoles. Ang kaso nitong illegal detention ay walang epekto sa mga kaso ukol sa pork barrel laban sa kanya. Tell this to the marines. Bakit hindi magdududa ang ibang sektor sa kahihinatnan ng mga kaso ni Napoles, eh ang abogado niya nga ay abogado ng gobyerno.

Sa totoo lang, itong ginawa ni Solgen Calida na tumindig sa CA bilang animo’y kanyang kinatawan ay pinasilip na ng gobyerno kung ano ang mga susunod nitong hakbang para mapangalagaan ang kanyang kapakanan.

Kung inyong matatandaan, nang lumabas ang warrant of arrest laban kay Napoles, sumuko siya kay dating Pangulong Noynoy. Parang mataas na tao sa ibang bansa, tinanggap siya at inasikaso ng dating Pangulo sa Malacañang. Pagkatapos ng sekreto nilang pag-uusap, inihatid pa siya nito sa custodial center sa Camp Crame. Ang sumunod na pangyayari ay… inihabla na ang ilang Senador na kalaban ng administrasyong Aquino dahil sa umano’y paggamit ng pork barrel.

Alam na ninyo kung bakit matindi ang pagtutol ko sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ito rin ang dahilan kung bakit pinatitigil ko ang inilunsad na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Ang nangyari kay Napoles ay pagpapakita kung gaano kapangit ang histura ng sistema ng ating hustisya. Sa pagpapagana ng kanyang makinarya ng mga taong pinagkalooban ng taumbayan ng kanilang kapangyarihan, ang ginigiling ay mga dukha. (Ric Valmonte)

Tags: camp cramecourt of appealsErnesto AbellaJanet Lim-NapolesJose CalidaRegional Trial Court
Previous Post

3 iniimbestigahan sa Quiapo twin blast

Next Post

Propesor itinumba sa jeep

Next Post

Propesor itinumba sa jeep

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.