• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Sylvia at mga anak, nasa winning streak

Balita Online by Balita Online
May 9, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Sylvia at mga anak, nasa winning streak
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SYLVIA AT ART KASAMA SINA XAVI, GELA, ARJO AT RIA copy

NGAYONG araw ang photo shoot ni Sylvia Sanchez para sa billboard ng produktong iiendorso niya.

Nitong nakaraang Linggo dumating ang aktres galing Amerika kasama ang anak na si Gela Atayde na nag-champion sa Dance Worlds 2017 kasama ang grupo ng Poveda Enciende.

Kahit may jetlag ay dumalo si Ibyang sa surprise victory party para sa anak na binuo ng mga pinsan at kaibigan nito.

Pinayuhang matulog maghapon kahapon si Ibyang para fresh looking siya ngayong araw sa kanyang photo shoot.

Pangiti-ngiti lang ang aktres na talo pa yata ang nasa Cloud 9 dahil finally, makikita na ang mukha niya sa billboard na matagal na niyang pinangarap.

Ikakabit sa tabi ng major highways sa buong Metro Manila at probinsiya ang billboard niya.

At take note, Bossing DMB dalawang taon ang kontrata ng aktres kaya matagal na masisilayan ng mga motorista ang billboards niya.

Bukod dito ay gagawa rin ng video si Sylvia para sa nasabing produkto. Inaasahang makaka-relate ang lahat ng tao, bata, matanda, lolo, lola, lalaki at babae sa naturang video.
Excited ang aktres sa maraming inquiries sa kanya para kuning endorser ng iba pang mga kilalang produkto.

Samantala, muling lalaban sa Oktubre ang Poveda Enciende ng anak niyang si Gela sa Australia naman.

“Katuwa mga anak ko, Reggee, may kanya-kanya silang forte, sina Arjo at Ria (Atayde), showbiz pareho, si Gela, heto sa pagsasayaw napunta, pero alam ko gusto rin nitong mag-artista someday. Tatapusin lang niya pag-aaral niya. Itong bunso ko, si Xavi, alam ko type niya ring mag-showbiz, pero ‘pag tinatanong, gusto niyang maging model. Basta kung ano ang gusto ng mga anak ko, susuportahan ko sila, kami ng daddy (Art Atayde) nila,” sabi ng aktres.

Ang ganda-ganda naman ng ngiti ni Papa Art habang nakikinig sa usapan namin ng asawa niya tungkol sa mga anak.

Nasa winning streak si Ibyang na matatandaang bago umalis papuntang U.S. ay ginawaran ng Best Actress award ng Gawad Tanglaw para sa performance niya sa The Greatest Love. Si Arjo, nangongolekta rin ng acting awards.

Ipinagpapasalamat din ng mag-asawa ang mainit na pagtanggap kay Ria sa My Dear Heart.

“Unexpected talaga itong My Dear Heart kay Ria, kasi ang alam namin, sa umpisa lang siya, hindi namin alam na pababalikin siya at ang daming nagti-text sa amin na binabati nila si Ria kasi, unti-unti, napapansin na ang acting niya.

“Kaya sa Dreamscape Entertainment, kina Sir Deo (Endrinal), nagpapasalamat kami sa ibinigay nilang tiwala kay Ria bilang Dra. Guia, kasi ang lakas ng recall sa tao.”

Oo nga, ang dami rin naming naririnig na papuri sa baguhang aktres dahil kayang-kaya raw nitong makipagtagisan kina Ms. Coney Reyes at Eric Quizon. (REGGEE BONOAN)

Tags: Coney ReyesDeo EndrinalDreamscape EntertainmentSylvia Sanchezunited states
Previous Post

Dating WBC champion, tulog kay Sultan

Next Post

Gilas Pilipinas, nabunot sa Group B sa World Cup elims

Next Post

Gilas Pilipinas, nabunot sa Group B sa World Cup elims

Broom Broom Balita

  • Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon
  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.