• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Intel ng local officials vs Abu Sayyaf, giit

Balita Online by Balita Online
April 18, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinimok ni Senator Juan Miguel Zubiri ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na gamitin ang mga lokal na opisyal sa pagpapaigting ng pangangalap ng impormasyon laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Zubiri, nakaaalarma ang pagpasok ng ASG sa Central Visayas Region, dahil napatunayan ng teroristang grupo na may kakayahan ang mga itong maghasik ng lagim sa labas ng Mindanao.

“Nakakaalarma ‘yung nangyayari. Dapat ‘yung intelligence community from the military and the PNP should double time its efforts to find out. Naunahan pa tayo ng embassies, eh. They gave out the warning days prior sa paghuli at pagkita sa kanila doon,” ani Zubiri.

Aniya, ang tanging paraan ngayon para mapigilan ang ASG ay ang pagbibigay ng mga impormasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Ilang araw na ang nakalipas nang magbabala ang United States Embassy sa Maynila sa mamamayan nito laban sa pagpasok ng mga teroristang grupo na magsasagawa ng mga pagdukot sa Central Visayas, at makalipas ang ilang araw ay nakumpirmang nasa Inabanga, Bohol ang Abu Sayyaf.

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng ASG at militar at nasawi ang anim sa panig ng terorista, tatlong sundalo at isang pulis.

Kasunod nito, nagpalabas din ng kani-kaniyang travel advisory ang Australia, Canada at United Kingdom.
(Leonel M. Abasola)

Tags: abu sayyaf grouparmed forces of the philippinesJuan Miguel ZubiriLeonel M. Abasolaphilippine national policeunited kingdomunited states embassy
Previous Post

Chan, PBA POW awardee

Next Post

Djokovic, umusad sa Monte Carlo

Next Post

Djokovic, umusad sa Monte Carlo

Broom Broom Balita

  • 770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15
  • DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news
  • Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR
  • Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’
  • Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi
770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15

770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15

December 1, 2023
DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news

DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news

December 1, 2023
Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR

Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR

December 1, 2023
Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’

Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’

November 30, 2023
Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi

Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi

November 30, 2023
Salceda sa KathNiel breakup: ‘Mag sorry na kayo ki Ogie’

Salceda sa KathNiel breakup: ‘Mag sorry na kayo ki Ogie’

December 1, 2023
Auto Draft

Mayor Biazon, nag-react sa ‘class suspension’ dahil sa KathNiel breakup

November 30, 2023
Auto Draft

Bagong species ng pagong, ipinakilala ng Philippine Eagle Foundation

November 30, 2023
Dahil sa KathNiel breakup: Bela Padilla, may hugot

Dahil sa KathNiel breakup: Bela Padilla, may hugot

November 30, 2023
‘The Hows of Us’ muling sinariwa ng netizens

‘The Hows of Us’ muling sinariwa ng netizens

November 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.