NEW YORK (AP) – Ipinahayag ng New York Knicks management na mananatili si Phil Jackson bilang team president sa susunod na dalawang taon na siyang nakasaad sa kontratang nilagdaan ng all-time coaching great.
Natiyak ang desisyon sa kabila ng isa pang nakadidismayang season ng Knick na nagtapos sa 31-51. Ito ang ikatlong sunod na taon, sa pangangasiwa ni Jackson, na nabigo ang Knicks na makausad sa playoffs.
Sa lideraro ni Jackson, tumatanggap ng US$12 milyon suweldo kada taon, bagsak ang Knicks sa 80-166.
Itinuturing pinamatagumpay na coach si Jackson sa kasaysayan ng NBA. Pinangunahan niya ang Michael Jordan-inspired Chicago Bulls sa anim na NBA championships mula 1989 hanggang 1998. Sa Los Angeles, ginabayan niya ang Lakers sa limang kampeonato (2000-2010).
Nagretiro siya bilang coach noong 2011 bago sumapi sa Knicks bilang executive noong 2014.
Nagawang makapasok sa playoffs ng New York sa 14 na sunod na season (1988- 2001), bago nabigo na makaabot sa postseason sa 12 sa loob ng 16 na season.