• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

PBA: Hotshots, iwas dungis sa Floodbusters

Balita Online by Balita Online
April 5, 2017
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 n.h. — Star vs Mahindra
7 n.g. — Ginebra vs Globalport

AASINTAHIN ng Star Hotshots ang ikaapat na sunod na panalo upang makasalo sa Alaska sa liderato sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Itataya ng Hotshots ang malinis na karta laban sa Mahindra Floodbusters ganap na 4:15 ng hapon para sa pambungad na laro ng nakatakdang double header tampok ang tapatan ng Barangay Ginebra at Globalport ganap na 7:00 ng gabi.

Nalusutan ng Hotshots ang matinding hamon ng NLEX sa nakalipas na laro, 105-103, mula sa buzzer beating jumper ni Gilas Cadet Jio Jalalon para makamit ang ikatlong dikit na panalo.

“I just told my players to stay focus, play defense and play Star basketball, “ pahayag ni Star coach Chito Victolero.

Sa kabilang panig, tatangkain naman ng Mahindra na makabalik sa winning track kasunod ng nalasap na 92-98 kabiguan sa nangunguna ngayong Aces noong Marso 29.

Sa tampok na laro, mag-uunahan namang makapagtala ng panalo ang magkatunggaling Barangay Ginebra Kings at Globalport Batang Pier.

Nabigo ang Kings sa una nitong laban matapos ang ilang linggong pahinga mula sa nakaraang Philippine Cup finals sa labang idinaos sa Davao City noong Sabado sa kamay ng Phoenix Fuel Masters,91-94.

Natalo naman ang Batang Pier sa unang dalawa nitong laban sa Alaska at Star. (Marivic Awitan)

Tags: alaskaAraneta ColiseumBatang PierChito VictoleroGinebra KingsGlobalportGlobalport Batang PierPhoenix
Previous Post

Torre de Manila, ‘di nadesisyunan

Next Post

MTRCB, walang dahilan para bigyan ng ‘X’ ang pelikula ni Iza

Next Post
MTRCB, walang dahilan para bigyan ng ‘X’ ang pelikula ni Iza

MTRCB, walang dahilan para bigyan ng 'X' ang pelikula ni Iza

Broom Broom Balita

  • Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler
  • Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr
  • Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’
  • ‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong
  • Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19
Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

June 30, 2022
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr

June 30, 2022
Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

June 30, 2022
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.