• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Haharapin ko ang mga kaso – Jobert Sucaldito

Balita Online by Balita Online
April 1, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Haharapin ko ang mga kaso – Jobert Sucaldito
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

JOBERT LANG_please crop copy

NAKAUSAP namin si Jobert Sucaldito sa concert ni Garie Concepcion sa Music Box last Thursday night at kanyang ibinulalas ang sama ng loob sa isinampang demanda laban sa kanya nina Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, Inc. at Erik Santos.

Nag-ugat ito sa blind item na binabanggit ang diumano’y isang “bading”.

Naririto ang official statement ni Jobert na ipinost niya sa kanyang Facebook account nito ring nakaraang Huwebes.

“Ito na lang ang gusto kong maging official statement ko regarding the overwhelming cases filed against me by Mr. Erickson Raymundo and Mr. Erik Santos sa QC para di ko na isa-isahing sagutin ang mga friends natin from the media about my reaction.

“Yes, nakarating na po sa akin ang balitang sinampahan ako ng sandamakmak na kaso ng mag-talent/manager na Erik Santos and Erickson Raymundo sa Quezon City court kaninang umaga. Nagsimula lang ito sa gulo namin ni Erik Santos who happens to be the artist of Cornerstone na pag-aari ni Erickson.

“When I posted something dito sa FB page ko regarding my hinaing, in-elevate agad ito ni Mr. Erik Santos sa management ng ABS-CBN by writing to them a complaint letter against me hanggang sa ma-suspend ako from radio anchoring sa Mismo program namin ni Papa Ahwel Paz (pinag-Vacation Leave With Pay ako).

“Hangga’t hindi raw ako nagbibigay ng explanation regarding our issue, hindi ako makakabalik sa show siyempre. They will take it from there.

“Anyway, ang sa ganang akin lang naman, it’s anyone’s right to go to court if he thinks his rights are violated and kahit maliit na nilalang lang ako sa mundo, haharapin ko ito at lalaban nang patas. Kahit mahirap lang ako, mag-iipon ako ng konti para meron akong ipambayad sa aking abogado para madepensahan naman ang panig ko, di ba?

“Ang ikinalulungkot ko lang ay kung bakit kailangan pang sumama sina Sam Milby, Jaya and K Brosas sa dalawa when they filed the case.

“Dito ako mas nasaktan — ano kaya ang nagawa kong kasalanan kay K Brosas na even before siya nagpa-manage kay Erickson Raymundo ay minahal ko siyang parang anak-anakan dahil alaga siya ni Kuya Boy Abunda before?

“Kay Jaya naman, it’s a common knowledge na sobrang minahal ko ang kaniyang namayapang inang si Mama Elizabeth Ramsey even during the last hours of her life — itinuring akong parang sariling anak at sobrang minahal ko.

“Si Sam Milby naman — it’s very painful for me to see him support them in this filing of cases against me. I’d like to understand them na lang — na kaya nila nagawa ito dahil maaaring kinausap sila ng manager nilang samahan sila or kung bukal man sa kalooban nilang ipakita ang suporta nila against me, I don’t know how to understand it now. Dito ako mas nasasaktan.

“Pero ‘yung sa kaso, haharapin ko ito at ilalaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko. Imagine, in full force daw silang lahat with matching bodyguards pa nang pumunta sa korte. Mabuti na lang at wala roon sina KZ Tandingan, Richard Poon and Pooh na sobrang mahal ko rin na mga alaga rin ng Cornerstone.

“And even if they will give their full support sa dalawang complainant, pilit kong uunawain. Ganoon talaga ang buhay sa showbiz. Hihintayin ko na lang ang documents re these cases they filed against me para makapag-submit naman kami ng lawyer ko ng aming counter-affidavit.

“Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Wala pang nakatakdang hearing sa isinampang kaso laban kay Jobert dahil hinihintay pa ng radio anchor ang kopya ng complaint para sagutin ito sa proper court. (Ador Saluta)

Tags: Dencio PadillaErickson RaymundoErik SantosRichard Poon
Previous Post

Badoy sa kastigo ni Soliman: Hindi ko ikapepreso ‘yan.

Next Post

GMA ayaw maging speaker, interesado sa ConCom

Next Post

GMA ayaw maging speaker, interesado sa ConCom

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.