• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

AFP handang-handa na sa Benham Rise

Balita Online by Balita Online
March 19, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naghihintay na lang ito ng go-signal mula sa gobyerno upang simulan na nila ang pagpapatrulya at mapping sa Benham Rise.

Nabatid kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nakahanda ang militar sa direktiba ni Pangulong Duterte para magsagawa ng malawakang pagsuyod sa Benham Rise, na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

“We are just awaiting the green light from government for the AFP to start the patrol and mapping survey at Benham Rise,” sabi ni Padilla.

Aniya, ang Philippine Navy ang magsasagawa ng mapping survey, habang aerial survey naman ang gagawin ng Philippine Air Force (PAF).

Matatandaang sinabi noong nakaraang linggo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi imposibleng magsagawa rin ang gobyerno ng sarili nitong survey sa Benham Rise upang matukoy ang mga likas na yaman sa lugar.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 2 na tutulong ito sa pagpapatrulya at pagbabantay sa Benham Rise.

Ito ang inihayag sa panayam sa Quezon City kay Atty. Samuel Agaloos, hepe ng BFAR-Region 2 Law Enforcement Division, at iginiit na sa kabila ng sakop ng Region 3 ang malaking bahagi ng Benham Rise at may bahagi ito na malapit sa Dinapigue, Isabela.

Sinabi ni Agaloos na hinihintay lang ng BFAR ang malaking barko para makapaglayag at magpatrulya sa lugar ang Quick Response Team (QRT) ng ahensiya. (Jun Fabon)

Tags: Bureau of FisheriesDelfin LorenzanaJun Fabonphilippine air forcephilippine navyRestituto Padilla
Previous Post

Ang loyalty ko wala sa partido, nasa tao – Cong. Vilma Santos

Next Post

Kapakanan ng day care workers

Next Post

Kapakanan ng day care workers

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.